BOC Chief Bien Rubio, nagpasalamat sa AmCham

HINDI lang pangongolekta ng buwis at taripa, paghabol sa mga ismagler, at paglaban sa korapsyon sa “snake-infested waterfront” ang inaatupag ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Bureau of Customs (BOC).

Abala din si Commissioner Rubio sa pakikipag-pulong sa mga lider ng foreign businessmen para pag-usapan ang kalagayan ng kani-kanilang mga negosyo sa bansa.

Kamakailan lang ay nagpulong sina Commissioner Rubio at Ebb Hinchliffe, ang executive director ng American Chamber of Commerce (AmCham) of the Philippines.

Nagpasalamat si Rubio sa AmCham “for its continuous drive towards achieving a common goal of contributing to the socio-economic growth of the Philippines.”

Ayon sa Ilocanong hepe ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance, nagagawa ito ng AmCham sa pamamagitan ng pag-promote ng US at PH businesses.

Inilatag din ni Rubio ang tinatawag na “Five-Point Priority Program” ng kanyang ahensya.

Ang programa ay naglalayong ma-improve ang efficiency, ma-upgrade ang systems at processes, at i-promote ang integrity at professionalism sa aduana, sabi ni Rubio.

At sinabi pa ni Rubio kay Hinchliffe  na handa siyang makipagtulungan sa American Chamber of Commerce of the Philippines.

“We believe that through continuous collaboration and dialogues with our partners…we can achieve our goals and make significant contributions to the country’s socio-economic growth,” dagdag ni Rubio.

Malaking tulong ang mga ginagawang pagsisikap ni Comm.  Bien para mapabuti ang kalagayan bansa.

****

Ipinakita na naman ng mga otoridad na malaki ang magagawa ng magandang ugnayan ng ibat-ibang ahensya para magtagumpay ang government anti-smuggling drive.

Dahil sa magandang ugnayan na ito ay nakakumpiska sa Pangasinan ang Bureau of Customs (BOC) ng mga puslit na diesel na nagkakahalaga ng mahigit na P54 milyon.

Ang kontrabando ay sakay ng barkong MV Veronica 1 na naharang ng mga otoridad sa may baybayin ng Sual, Pangasinan.

Ang BOC Sub-port of Sual ay nasa ilalim ng Port of San Fernando sa probinsiya ng La Union.

isinagawa ang anti-smuggling operations ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at Port Operations Division ng Sub-port of Sual.

Kasama sa operations ang Phiippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police -Maritime Group (PNP-MG), at local police ng Sual.

Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio Jr. ang matagumpay na anti-smuggling operations sa Pangasinan.

“This achievement is a testament to our unwavering commitment to securing and protecting our economy from the adverse effects of smuggling,” ayon kay Rubio.

Talagang mabibilis at matatalino ang mga ahente ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy para matunton ang mga kontrabando na lulan ng MV Veronica !.

Isa na namang “good job” ito ng mga pinagsanib na puwersa ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

****

Kahit tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ay mukhang hindi na ito pinapansin ng taumbayan.

Sa tingin ng taumbayan, kasama na ang mga matatanda, ay parang isang ordinaryong sakit na lang ang COVID-19 na kagaya ng sipon, ubo, TB at iba pang nakahahawang sakit.

Hindi na kagaya noong kasagsagan ng pandemya na lahat ay takot lumabas ng bahay.

Ngayon ay maraming tao sa kalye, sa mga lugar-pasyalan na kagaya ng shopping malls, parks, beaches at ibang resorts na may swimming pool.

Ang maganda sa atin ay mukhang nagkaroon na tayo ng community program dahil sa matagumpay na nationwide vaccination program ng Department of Health.

Sa tingin ng marami ay mukhang mild lang ang COVID-19 na sumulpot sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Ang mahalaga ay sumunod pa rin tayo sa minimum health protocols na kagaya ng pagsusuot ng face mask at regular hand washing.

Hindi ba, Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, magtext sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment