BoC target, sapul na naman!

“MAABOT” o mahihigitan pa ng Bureau of Customs (BoC) ang revenue collection target nito ngayongt taon na P617 bilyon.

Ito ang paniwala ng mga beteranong waterfront observer pagkatapos na makalikom ang BoC ng P200.4 bilyong buwis at taripa sa unang apat na buwan ng 2021.

Ang target collection ng ahensya mula Enero hanggang Abril 2021 ay P183.1 bilyon lamang.

Ayon sa preliminary report ng BoC-Financial Service, ang koleksyon ng ahensya noong nakaraang Abril ay umabot naman sa P51.277 bilyon.

Ito ay lampas ng P2.077 bilyon kumpara sa target nitong P49.2 bilyon.

Matatandaan na noong nakaraang Pebrero ay sinabi ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kayang abutin ng BoC ang 2021 target collection, na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ay P616.7 bilyon.

Sinabi noon ni Guerrero: “Our collection target is based on DBCC projections, forecasts and assumptions. Our target is attainable provided they remained valid.”

Ang koleksyon noong nakaraang buwan ay kinabibilangan ng dagdag na P121 milyon mula sa tax expenditure fund o TEF at P113.65 milyon mula sa Post Clearance Audit Group o PCAG na pinangungunahan ng ating kaibigan na at BOC spokesman, Atty. Vincent ‘Jett’ Maronila.

Labing-isa sa 17 collection districts ang umabot sa kani-kanilang target noong Abril 2021.

Ito ang Port of San Fernando, PoM, MICP, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Zamboanga, Port of Davao, Port of Subic, Port of Aparri at Port of Limay.

Mula pa noong Enero 2021 ay naaabot ng BoC ang kanilang monthly target collection.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pananalasa ng Covid-19 sa bansa.

Sa totoo lang, kaysaysayan na ang ginawa ni Comm. Guerrero sa koleksiyon BoC.

Alam na naman natin na noon pa mang nakaraang 2020, ay nahihigitan na ng BoC ang kanilang target collection.

Kahit may pandemya, talagang hindi matatawaran ang dedikasyon sa serbisyo ng mga taga-BoC.

***

Kagaya nang inaasahan, mabilis na nailabas sa Port of NAIA ang unang batch ng Sputnik V Covid-19 vaccines na dumating sa bansa noong Mayo 1.

Gawa ng Gamaleya ng Russia, ang 15,000 doses ng Sputnik V ay lulan ng Qatar Airlines mula sa Russia.

Ang shipment ay pang-siyam na batch na ng mga bakuna “cleared by the BoC.”

Ang kargamento ay sinalubong nina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., DoH Sec. Francisco Duque, Russian Ambassador Marat I. Pavlov at Usec Robert Borje ng Malacanang.

May standing order si BoC Chief Rey Guerrero na siguraduhin ang mabilis at maayos na paglabas ng mga bakuna sa Port of NAIA na pinamumunuan ni Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Sa kanyang order sa BoC Covax special handling team, sinabi ni Guerrero na kailangang mabilis ang pag-isyu ng clearance ng mga bakuna.

Hindi puwedeng maantala ang pagdadala ng mga bakuna sa mga designated storage facility.

Kaya nga lahat ng mga paparating na Covid vaccines ay kailangang pre-cleared ng BoC One-Stop-Shop, na dapat lang dahil napakaselan at napaka-sensitive ang mga bakuna.

Alam ‘yan nina Sir Jagger at Ma’am Mimel

Hindi ba, mga boss?

(Para sa inyong komento at opinyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong oangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment