Buhay o kabuhayan?

Buhay o kabuhayan?
KUNG wala ang mga healthcare worker, kasama na ang mga nars, paano na ang pasyente sa mga ospital?

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga hospital worker na ito.

Ngayon na may pandemya, sariling buhay at kanilang pamilya ang isinusugal nila.

Sila kasi ang nag-aasikaso sa mga may COVID-l9 sa mga ospital.

Alam naman natin kung gaano kabagsik ang sakit na ito.

Paano na lang kung mahawa sila at mahawahan naman nila ang kanilang pamilya?

Oo nga’t may mga PPE na gamit habang naka-duty. Pero, hindi pa rin ito garantiya na hindi sila mahahawa.

Sa totoo lang, laman ng mga balita ang mga nahahawang health workers, ang iba nga sa kanila ay namatay pa.

Isa pa, hindi biro ang magsuot ng PPE nang mahabang oras pero kailangan nilang magtiis.

Ang pinakamasakit, marami daw sa kanila ang hindi pa nakatatanggap ng mga benepisyong dapat nilang tanggapin.

Unfair ito sa ating mga healthcare workers. Buhay kasi nila ang kanilang “itinataya.”

Kahit anong paliwanang ng Department of Health na naibigay na nila ang mga benepisyo at ibang pangangailangan ng mga health worker, hindi ito kapani-paniwala.

Mismong mga opisyal na ng mga ospital ang nagpapatunay nito.

Maawa naman tayo sa kanila.

Ibigay na agad ang mga dapat ibigay at huwag nang magturuan.

Ito’y upang maibsan man lang ang kanilang paghihirap kahit na kaunti.

Kung tutuusin, kulang pa rin ‘yan sa sobrang taas ng mga bilihin!

Tama ba Senador “Malasakit,” Bong Go?

***

Buhay o kabuhayan?

Ito ang tanong sakaling palawigin pa ang ECQ sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Marami ang mawawalan ng trabaho at magugutom (nasa MECQ na ang Metro Manila hanggang katapusan ng buwan—Editor).

Ubos na kasi ang pera ng bayan.

Kung magluluwag naman ang gobyerno, baka hindi na natin makayanan ang pagdami ng may COVID-l9.

Mahirap talagang balansehin ang sitwasyon.

Ano ang gagawin ng taumbayan?

Sumunod na lang tayo sa mga protocol at pabayaan natin ang gobyerno na mag-desisyon kung ano ang dapat nating tahakin?

Ang mahirap lang, panay ang panawagan ng gobyerno na magpabakuna. Eh, wala namang bakuna.

May mga suhestiyon nga tayong natatanggap na bakunahan na muna lahat ng taga-NCR plus, lalo na sa Metro Manila dahil nandito ang sentro ng komersiyo. Ito’y upang mabuksan at makabangon na ang ating ekonomiya.

Isa pa, kung bakunado na ang mga tao sa NCR Plus, Babagal o tuluyan na nating mapipigil ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

karamihan kasi nang mga nagkakasakit ng COVID-19 sa mga probinsiya ay dala ng mga nanggagaling mula sa Metro Manila.

Sa tulong ng Panginoong Diyos ay malalampasan din natin ang matinding pagsubok na ito.

Naniniwala tayo na matatapos ang kalbaryong ito basta magtulungan lang tayo.

Itigil na muna natin ang siraan.

Walang idudulot na buti ang batuhan ng putik.

Tuloy ang diskusyon ng mga isyu pero walang murahan!

***

Sana hindi masyadong makaapekto ang ECQ sa Metro Manila sa revenue collection efforts ng Bureau of Customs.

Huwag natin kalimutan na mula pa noong Enero 202l hanggang Hulyo ay laging nalalampasan ng BoC ang monthly collection target.

Marami nga ang naniniwala na malalampasan ng BoC ang target collection sa taong ito.

Tulong-tulong ang l7 collection districts ng BoC para mapaganda ang pangongolekta ng buwis at taripa sa buong bansa.

May mga collection district na hindi umaabot sa kanilang mga assigned tax take.

Pero hindi ibig sabihin nito ay nagpapabaya sila sa trabaho.

Ang iba kasing importer ay lumilipat ng puerto kung saan “friendly” ang mga opisyal.

Kaya huwag nating husgahan ang mga hindi nakakakuha ng collection target.

Hindi ba, BoC Chief Rey Leonardo Guerrero?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment