Comm. Bienvenido Rubio, ‘Man of the Year’

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na ang mga suki natin diyan Japan. Binabati natin sina:Teresa Yasuki, Mama Aki, Pinky Sato, Hiroki Harashi, Winger dela Cruz. Glenn Raganas. Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, at sa isang magaling na manunulat na si Hiroshi Katsumata.

Ganun din sa ating taga-subaybay sa Oman na si Joan de Guzman.  Laban lang Joan! Mabuhay kayong lahat!

***

Hindi na lang pala pang-lokal at pang-nasyonal ang kalidad nang kanyang serbisyo sa taumbayan at pamahalaan.

Sa mata ng marami, itinuturing na palang pang-rehiyon at pang-internasyunal ang paninilbihan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ay matapos na kilalanin siyang “Man of the Year in Public Service” ng prestihiyosong ASIA Leaders Awards.

Ipinagkaloob kay Commissioner Rubio, na taga-Ilocos Norte, ang nasabing award noong nakaraang Nobyembre 28.

Pinarangalan si Rubio dahil sa kanyang “exceptional leadership and unwavering commitment to public service.”

Dahil sa kanyang “transformational initiatives” ay narating ng ahensiya ang “new heights of efficiency and fiscal success.”

“The ASIA Leaders Awards is one of the region’s largest recognition platforms,” ayon sa isang kalatas ng BOC.

Dumalo sa awarding rites ang maraming business tycoons at diplomatic leaders.

“The event fosters unity and collaboration across nations and industries,” ayon pa report.

Sinabi naman ni Commissioner Rubio na inialay niya sa “men and women in customs uniform” ang karangalang tinanggap niya.

Tama naman ang ginawa ni Rubio dahil ang kanyang mga opisyal at tauhan ang “backbone” ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Sa pamamahala ni Rubio ay maraming “monumental achievements” ang naire-rehistro ng ahensya, lalo na sa larangan ng revenue generation.

Ngayong taon na ito ay inaasahang lolobo sa P1 trilyon ang makokolektang buwis ng BOC.

Ito ay sa kabila ng patung-patong na problema na ina-address ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr,

Muli, congratulations Commissioner Rubio — ang bagong “Man of the Year in Public Service” ng ASIA Leaders Awards.”

***

Hindi na tayo magtataka kung iilan na lang ang local politicians na hihingi ng political campaign funds sa Aduana.

Alam nila na baka mapahiya lang sila dahil “going straight na ang mga taga-waterfront.”

Sobrang higpit na sa mga opisina ng gobyerno dahil sa kagustuhan ni Pangulong Marcos na mawala ang katiwalian at korapsyon sa bansa.

Hanggat kasi nandiyan ang mga katarantaduhan sa mga opisina at ahensya ng gobyerno ay hindi uusad ang bansa.

Sabi nga nga ng administrasyon ni Pangulong Marcos, “Mabuhay ang Bagong Pilipinas.”

Suportahan natin ang ating gobyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng ating mga batas.

(Para sa inyong komento at pagbati. mag-text sa +639178624484 o mag-email lang sa: tingnannatin08@yanoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).