Congratulations, Comm. Yogi Ruiz!

KAMAKAILAN ay inulat ng Bureau of Customs (BoC) na kanila nang nalampasan ang taunang revenue collection nito na P721.52 bilyon.

Nakapagtala kasi ng malaking koleksyon ang BoC nitong Nobyembre 11, na umabot sa kabuuang P745.50 bilyon kung saan tumaas ng P23.98 bilyon o may katumbas na 3.27 porsyento na pagtaas.

Ikinatuwa ito ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz na tinukoy ang pakikiisa at madisiplinang pagtupad sa mga bagong reporma at programa na ipinatutupad ngayon sa Customs, ayon sa itinakda sa kanya na dapat niyang gawin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Finance Secretary Benjamin ‘Ben’ Diokno.

“Labis akong nagpapasalamat sa lahat sa ipinakita nilang suporta para makuha ang target collection ngayong taon,” pahayag ni Ruiz.

Ayon pa sa ulat ng BoC, lahat ng 17 collection districts nationwide ay umabot din sa kani-kanilang collection target, na nakakuha ng surplus na 16.8 porsiyento, katumbas na P103.29 bilyon noong Oktubre 31.

“Ang magandang koleksiyon natin ay hindi po bunga ng magaling na performance ng iisang tao kungdi ito po ay nangyari dahil sa tayo pong lahat ay nagtulong-tulong, dahil po tayong lahat ay nagkakaisa sa paniniwalang ang anomang mahirap na target collection natin ay magagawa nating gumaang kung tayo ay sama-sama,” sabi ni Comm. Yogi.

“Ang ganitong balita po ay tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa ating lahat, at ito po ay lalong magpapasigla sa ating pagtatrabaho upang makuha natin ang target collection ngayong taon,” dagdag pa ni Ruiz.

Aniya pa, bunga ng pagkakaisang makapaglingkod nang matapat, naibabalik na ang malaking tiwala ng taumbayan, lalo na ang mga may transaksiyon sa BoC.

Congratulations!

***

Panahon na para idilat ang mga mata, talasan ang pakikinig at maging mapanuri ang isip, at ‘wag basta patangay sa propaganda ng mga kalaban na nababalot sa pakunwaring katotohanan.

Ano ba ang Maynila ngayon? Kung estadistika ang batayan, sa totoo lang, sa annual income, di naman pahuhuli ang premiere city of the Philippines na dati ay kulelat.

Nasa lider ang pag-unlad o pag-atras ng isang bayan o lungsod; kung magaling ang pinuno na tulad ni Manila Mayor Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan o mas kilala sa tawag na Mayora Honey, na pinagkakatiwalaan at sinusuportahan ng mga Batang Maynila, at may kapanatagan ang mga namumuhunan at negosyante, hindi magiging “tsamba-tsamba ang pagyabong ng kabuhayan.

Dahil sa mahusay na pagplano, kasama ang determinasyon at pagsisikap at pagtitiyagang nakumbinsi ang taumbayan na samahan siya ay patuloy na umaarangkada ang Maynila sa karera ng ekonomya, at ngayon ay numero unong siyudad na.

Ito na ngayon ang larawan ng Maynila, kaliwa’t kanan ang impraesktruktura; ang pagpapaganda ng kapaligiran ay tinutukan at seryosong inaayos; dahil kinastigo at pinarusahan ang ilang tiwaling pulis-Maynila na sangkot sa tiwaling gawain ay ligtas na sa krimen ang siyudad; ang serbisyo ay nakatutok sa lahat ng humingi ng tulong maging ito man ay mahirap o mayaman, walang bahid ng kulay o partido ang pagsisilbi sa administrasyon ni Mayor Honey.

***

Noong manalong alkalde ay ipinangako na aayusin rin niya at ibabalik ang respeto sa pamahalaang lungsod ng Maynila tulad ng ginawa ni dating Yorme Isko Moreno, ramdam na ramdam na ang todong paglilinis kontra katiwalian na sobrang tinutukan ni Mayor Honey Lacuna.

May ilang pulis-Maynila na rin ang kinastigo at kinasuhan sa pagkakasangkot sa maraming tiwaling gawain – tulad ng pangongotong at pagkasangkot sa ilang krimen.

Ani Mayora Honey, walang lugar sa Maynila ang tiwaling pulis.

Bukod sa pulisya, ang buong burokrasya sa city hall ay dumadaan sa reorganisasyon, at pagdaraos ng mga kakaibang training sa gitna ng pandemic at proseso upang mapabilis ang daloy ng transaksiyon sa city government.

“Dapat ay magpakita tayo ng mabubuting halimbawa upang ang taumbayan ay makita na ang Maynila ngayon ay patuloy na nagbabago at hindi na ito magbabalik sa dating gawi,” sabi ng Mayora.

Ang trapiko ay nasa ayos na at ang maliliit na vendor ay may pagkakakitaan na dahil inayos na ang Divisoria, Blumentritt area atbp., na walang nanggigipit na kotong cops at tiwaling city employees at opisyal ng barangay.

At ang lahat ng insentibo para maakit ang negosyante ay nailagay na sa maayos na paraan.

“Maniwala kayo, sa susunod na mga taon, ang siyudad ng Maynila ay lalong titingalain at hahangaan ng ibang karatig na lungsod at ng buong mundo!” pangako ni Mayora Honey Lacuna.

Manila, God First!

***

Sino itong angkan ng pamilya na ang mga tenants ng mga lupa na ginagawa nilang semento ang mayayamang lupa para magtayo ng subdibisyon?

Naman, pwede po ba na sabihan n’yo ang mga tao nyo na ‘wag palayasin nang hindi sila binabayaran sa lupa.

Eh, ang paratang ng mga pinalalayas ng mga armadong goons nýo, e kinakamkam ang lupa nila na kasabwat ang mga taga Agrarian, Agriculture, at may mga tao kayo sa Korte at sa mga Register of Deeds at sa Land Registration Authority.

Totoo ba ang mga ito?

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments (0)
Add Comment