E-TRACC project, malaking tulong sa BoC

NOONG isang linggo ay sumalang sa dalawang araw na Internal Quality Audit (IQA) stage 1 ang Port of NAIA.

Ang audit na isinagawa noong Abril 20-21, ay bilang paghahanda para sa ISO certification ng Port of NAIA.

Sa opening conference, sinabi ni IIMQSIO Head MGen.Leandro Loyao lll ay tinalakay niya ang overview ng internal audit process.

Ang proseso ay mahalaga “to provide additional support in strengthening the policies and principles that the Port of NAIA started towards its ISO journey.”

Ang Port of NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Sinabi ni Collector Manahan na isa sa priorities ng Port of NAIA ang mabigyan ng ISO certification.

Anak ni dating BoC Depcom Julie Singson-Manahan, si Collector Talusan ay desididong ipagpapatuloy ang “innovation drive” ng Port of NAIA.

Bilang pagsunod sa 10-point priority program ni BoC Chief Rey Guerrero, sinabi pa ni Talusan na, NAI “endeavors to qualify and be recommended for the next phase” ng certification process.

Ito ay ang external audit “as a prelude to achieve ISO 9001:2015 certification.”

Abot kamay na yan, Ma’am Mimel.

***

Lalong pinalalakas ng Bureau of Customs (BoC) ang kanilang “cargo monitoring.”

Ginagawa ito ng BoC sa pamamagitan ng E-TRACC system.

Ang E-TRACC system ay nagbibigay ng “real-monitoring of inland movements of containerized goods using an information technology system.”

Sa pamamagitan ng E-TRACC, ang paglilipat ng goods ay “secured and facilitated, dispensing the need for physical underguarding.”

Layon nito na maiwasan ang tinatawag na “erroneous delivery” ng mga container.

Mawawala rin ang isyu ng “missing containers” o “unauthorized diversion of carriers.”

Sa totoo lang, ang E-TRACC ay isa mga matagumpay na automation project ng BoC.

Napapabilis nito ang transaksyon sa Aduana.

Malaking tulong din ito sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian at korapsyon.

Tama ba kami, Sir Jagger?

***

Bago ang isang linggong paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa darating na Oktubre 1, 2021, ay magsusulputan na naman ng iba’t ibang diyaryo sa bansa.

Alam kasi ng mga politiko na iba ang mga diyaryo.

Naitatago nila ito bilang mga “souvenir.”

Ang masakit lang, nagpapahalata ang mga lokal na diyaryong ito na pampapogi lang ng mga politiko.

Para suportahan ng publiko ang mga diyaryong ito, dapat namang maging “fair” sila.

Pabayaan na lang ang kanilang mga kolumnista para papogiin ang kanilang mga kandidato.

Ang mga balita nila ay dapat maging factual at hindi bias.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment