NATUTUWA naman tayo at napapansin na ng taumbayan ang kandidatura bilang senador ni ex-PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar—Numero “23” sa balota, mga kababayan.
Noong isang buwan, sa isinagawang survey ng Manila Bulletin, pumasok na sa ‘Magic 12’ itong ating kaibigan na kung sa “sipag” at “galing” din lang naman, alam nating malakingg pakinabang sa taumbayan at hindi magiging “dekorasyon” lang sa ating Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Kumbaga, ‘sakto ang islogan niya ngayon na “SIGA” (Sipag at Galing) ng Senado.
Ayon naman sa magkasunod na survey ng Pulse Asia at SWS, mula sa puwestong 22-24 noong Disyembre 2021, umakyat na si Gen. Eleazar sa ranking na 17-19 sa survey ng dalawang kompanya nitong Enero.
Sa mga kumakandidatong senador na nasa “Top 20,” si Eleazar ang nagtamo ng pinakamalaking pag-abante na walong puntos—harinawang tumaas pa.
Sa akin namang mga kababayan sa Calabarzon—Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon—huwag nating kalimutan na “kababayan” natin ang matikas na heneral na kahit kailan ay hindi nagdala ng kahihiyan sa atin bagkus, ng sandamakmak na karangalan bilang matino at mahusay na lingkod-bayan.
At dahil “tubong Calabarzon,” hindi tayo nagtataka na kahit nag-iisa sa kanyang mga sorties sa rehiyon ay palaging mainit ang pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.
Binabasa naman ninyo ito, dear readers, nasa Region 2 naman si Gen. Eleazar at katulad sa Calabarzon, mainit din ang pangtanggap sa kanya, halimbawa sa lalawigan ng Pangasinan.
At siyempre, dagdag inspirasyon kay Gen. Eleazar ang ganitong mga ‘reception’ sa kanyang mga sorties, na pinasigla pa sa todo-suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya at siyempre, ng kanyang magandang maybahay na si Mrs. Lally Eleazar.
***
Ano ba ang “kaibahan” ni Gen. Eleazar sa ibang mga pulis na naging kandidato at naging pulitiko?
Sa ganang atin, mayroon kasi siyang ‘introspection’ at ‘retrospection’ sa kanyang sarili.
Ang dalawang ito ay ang kakayahan ng sino man na suriin at balikan ang kanyang mga naging karanasan at mga pinagdaanan upang makakuha ng mahahalagang aral, mga aral na magiging gabay naman sa paggawa ng mga mabubuting polisiya at regulasyon.
Nakita ba natin ang mga katangiang ito kay Gen. Guillor, tanong ba ninyo mga kabayan?
Of kors, naman. At makailang beses pa!
Tingnan na lang ang kanyang palaging sinasabi sa mga pulis na habang maliit pa ang problema, gawan na agad ng solusyon at huwag nang hintayin na lumaki pa!
Introspection at retrospection din ang gumabay sa kanyang matagumpay na “ICP”—Intensified Cleanliness Policy—na ipinatupad niya noong siya pa ang PNP Chief.
Sa bandila ng ICP, hindi lang ang pisikal na kalinisan ng lahat ng istasyon ng pulis ang ipinatupad ni Eleazar bagkus, ang paglilinis din sa hanay ng PNP kung saan walang puwang ang mga tolongges at mga korap. At nakita naman natin kung ilang mga korap na pulis ang wala na ngayon sa serbisyo, hindi ba?
Hindi rin katulad ng iba niyang kabaro, nakita natin ang kahandaan ni Gen. Eleazar na matuto sa mga nakaraang pangyayari; hindi siya basta naniniwala sa sulsol at sinasabi ng iba, kahit pa ng media, bago siya gumawa ng aksyon.
At ganitong mga katangian ang kailangan natin sa Senado dahil ang mga batas na ginagawa doon, buong bansa at lahat ng mga Pilipino ang direktang apektado.
Kaya sa halalan ngayong Mayo 9, huwag kalimutan ang Numero “23” sa balota para sa mga senador.
Sadyang kailangan natin ang mga katulad ni Gen. Eleazar, tama ba, kasamang Jan Sino Cruz?