Hindi nagpapabaya ang economic team ni PBBM

UPANG lalong mapaganda ang serbisyo sa Aduana, patuloy na isinusulong  ng Bureau of Customs (BoC) ang digitalization ng lahat ng  customs processes at operations.

Kasama ito sa programa ng administrasyong Marcos na mapataas ang revenue collection ng BoC.

Sa totoo lang, noong nakaraang taon (2022) ay pitong mahahalagang digitalization projects ang isinagawa ng ahensya na pinamumunuan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Isang dating “drug buster” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Ruiz ay naniniwalang malaki ang magagawa ng digitalization para ma-enhance ang trade facilitation.

Ang mga proyekto ay ang liquidation and billing system, electronic customs baggage and currencies dclaration system, raw materials liquidation system, national ETRACC integration payment application at ASEAN customs declaration document system.

Kagaya ng inaasahan ng marami, ang pagkakalunsad ng pitong proyekto ay nagbunga ng malalaking dibidendo para sa kapakanan ng mga stakeholders sa Aduana.

Noong 2022 ay inatasan din ni Ruiz ang lahat ng collection districts na bilisan ang disposition ng lahat ng forfeited at abandoned shipments sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Ito ay upang maiwasan ang tinatawag na “high yard utilization ” na maaaring magresulta sa port congestion.

Ang port congestion sa Aduana ay isa sa nakakadagdag sa gastusin ng mga negosyante at customs broker dahil naaantala ang paglabas ng mga kargamento.

Tama ba kami, Finance Secretary Benjamin Diokno at Commissioner Ruiz?

***

Kinumpiska ng Port of Manila (PoM) ng Bureau of Customs (BoC) ang isang foreign-registered vessel na nakadaong off the coast ng Zambales noong Enero 17.

Ang barko ay naglalaman ng 25,000 metric tons of nickel ore na wala daw export permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang foreign-registered na barko ay nakadaong malapit sa DMCI Wharf sa Bolitoc-Langis sa Sta. Cruz, Zambales na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Sub-Port of Masinloc.

Ayon pa sa report, ang nickel ore ay naka-consigned sa Yinglong Steel Corporation.

Sa rekomendasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay nag-isyu si PoM District Collector Michael Angelo Vargas ng Warrant of Seizure and Detenton laban sa barko at mga laman nito.

Bago ang WSD ay sinuspindi ni Mines and Geosciences Bureau Director Wilfredo Moncano ang issuance ng mineral ore export permit at ni-recall ang extended/renewal export permit ng Yinlong.

Ang PoM-CIIS, in coordination sa Sub-Port of Masinloc, Pier Inspection Division at Philippine Coast Guard offices sa Sta Cruz at Masinloc,  ay inihain ang notice of suspension.

Ang barko at ang cargo nitong nickel ore ay nasa custody ngayon ng PoM Auction and Cargo Disposal Division para sumailalim ng “further inventory.”

Bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Marcos at Commissioner Ruiz ay nananatiling “steadfast ang PoM in the fulfillment of BoC’s mandate to protect the country’s borders.”

Dapat lang!

***

Sa kabila ng mga kaliwa’t-kanang problema ay nananatiling nakatuon ang atensyon ni Pangulong Bangbong Marcos Jr. sa pagpapabilis ng socio-economic development ng bansa.

Batid ni Pangulong Marcos na kailangan lagi siyang naka-focus sa pagresolba sa mga problema at hindi siya puwedeng ma-distract ng kung anu-anong isyu.

Kaya nga ingat na ingat siya sa pagpili ng mga taong makakatuwang niya sa pag-chart ng destiny ng bayan at ng mahigit 110 milyong  Filipino.

At dapat walang  makapasok sa kanyang administrasyon na “rotten eggs” dahil ang gusto niya ay mapaganda ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Ang Marcos presidency, na nagsimula noong Hunyo 30, 2022, ay magtatapos sa Hunyo 30, 2028.

Papasok na sa pangwalong buwan ang Marcos presidency sa Miyerkules, Pebrero 1.

Aminado ang marami, kasama na ang mga kritiko, na papuntang recovery na ang ekonomiya ng bansa pagkatapos ng mahigit dalawang taong paghihirap nito kaugnay ng pandemya.

Pero hindi naging hadlang ang coronavirus disease (COVID-19) para bumangon muli ang nakalugmok na ekonomiya.

Hindi nagpapabaya ang mga miyembro ng economic team ni Pangulong Marcos, sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno, at nagawa nilang iahon sa “kumunoy” ng kahhirapan ang bansa.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment