Hindi napapanahong pag-usapan ang ‘Cha-Cha’

NANINIWALA tayo na hindi man tuluyang mawala, mababawasan ng malaki ang korapsyon sa mga pantalan kung maipapatupad ang 10-point priority program ng Bureau of Customs (BoC).

Ang programa ay naglalayong maipatupad ang zero-contact policy ng BoC.

Alam naman ng lahat na hanggat nandiyan ang face-to-face transactions ay hindi mawawala ang korapsyon.

Kaya nga maganda ang balitang nagsimula na rin ang operasyon ng Customer Care Center (CCC) sa Port of Legazpi.

Ayon kay Port of Legazpi District Collector Arsenia Ilagan, nagbukas ang CCC noong Hulyo 16.

Ang opening ng 4-man CCC ay isinabay sa inauguration ng bagong customs house ng Port of Legazpi.

Ang CCC ay isang one-stop-shop para sa lahat ng customs-related transactions.

Sinabi pa ni Collector Ilagan na “CCC will simplify and make all services provided by the bureau accessible in one place.”

“Through CCC, concerns and inquiries shall be addressed either through online or physical follow-up.”

Inaasahang lalo pang gaganda at bibilis ang serbisyo sa Port of Legazpi dahil sa pagbubukas ng CCC.

****

Noong nakaraang Lunes ay sinira ng Port of Aparri ang mga puslit na pekeng sigarilyo at documentary stamp na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.

Ginawa ang pagsira sa isang waste disposal facility sa Porac, Pampanga.

Ang mga sinira sa Digama Waste Management Services ay kinabibilangan ng mga pekeng sigarilyo, materyal na kailangan sa paggawa ng sigarilyo, local at foreign tax stamps.

Ang mga sigarilyo at documentary stamp ay sinira pagkatapos na walang nag-claim sa mga ito. Ang mga kontrabando ay nakumpiska sa Alicia, Isabela, ayon kay supervising customs operations officer Arienito Antonio Claveria.

Natakot siguro ang may-ari ng shipment na mabubuko ang kanyang kontrobando.

Alam naman kasi nila na doble higpit ngayon sa mga port of entry na sakop ng BoC.

Ayaw ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na may napapalusot na puslit na kargamento.

Lalo pa nga at nandiyan pa rin ang nakakatakot na COVID-19.

Hindi puwedeng makalusot ang mga bagay na lalong magpapahirap sa taumbayan.

***

Tama ang mga nagsusulong ng Charter Change o Cha-cha.

Kailangang baguhin ang Saligang Batas para mapadali ang socio-economic development ng bansa.

Ang problema lang, mukhang hindi napapanahon na pag-usapan ang Cha-cha.

Walang namang mamamatay kung hindi matutuloy ang isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas.

Kaya walang dahilan para unahing atupagin ang pagsasayaw ng Cha-cha sa gitna ng pandemya.

Unahin natin ang paglaban sa Covid-19.

Mukhang hindi katanggap-tanggap na pag-usapan ang pag-alis sa term limits ng mga opisyal habang nangingisay ang mga biktima ng COVID-19

Isa pa, mismong si Pangulong Dutere ay walang binabanggit tungkol sa Cha-cha.

Dapat, sumayaw na lang kayo ng tinikling, huwag ng mag-Cha-cha, hehe!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan. )

Comments (0)
Add Comment