Honey Lacuna-Pangan, handa nang maging alkalde ng Maynila

HALOS araw-araw ay naglilibot sa Maynila para malaman ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang kalagayan at pangangailangan ng mga Manileño.

Isang medical doctor, si Lacuna-Pangan ay kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na eleksyon.

Kung siya ay palaring manalo, ipinapangako ng bise alkalde na ipagpapatuloy niya ang mga programa at proyekto ni Mayor Isko Moreno.

Si Yorme Isko ay kandidato sa pagka-pangulo ng Pilipinas, na kasama si Dr Willie Ong bilang vice president.

Marami ang naniniwala na handa na si Vice Mayor Honey na maging mayor ng syudad ng Manila.

Alam na niya kung paano i-address ang mga problema na nagpapahirap sa bayan at mamamayan.

Ang kailangan lang ay political will at tapat na serbisyo.

Malaki ang naiambag ni Madam Honey sa paglaban ng Lungsod kontra COVID-19.

Bilang isang lingkod-bayan o public servant, dapat laging naka-focus ang atensyon sa mga pangangailangan ng taumbayan.

Hindi puwedeng iasa ang trabaho sa ibang tao.

Hindi OJT o on-the-job training ang trabaho bilang alkalde ng pangunahing syudad ng bansa.

Kaya maraming naniniwala na malaki ang magagawa ni Lacuna-Pangan sa higit pang pagpapaunlad ng Lungsod ng Maynila.

***

Dalawang linggo na lang ay 2022 na.

Siguradong tuloy pa rin ang mga problemang nagpapahirap sa atin.

Nandyan ang COVID-l9, kawalan ng trabaho, kahirapan, kagutuman, krimen at korapsyon sa gobyerno.

Hindi madaling mabigyan ng solusyon ang mga problemang ito.

Sa totoo lang, kahit sino ang mananalong presidente sa darating na eleksyon ay siguradong mahihirapang lutasin ang ating mga problema.

Lalona’t bagsak ang ating ekonomiya dahil sa pananalasa ng Covid-l9.

Kulang na tayo ng pera dahil hindi naman kalakihan ang buwis na nakokolekta ng BIR at BOC.

Pero sa tingin natin ay malalampasan natin ang krisis na dulot ng pandemya.

Kailangan lang natin ay pagkakaisa at pagtutulugan.

Walang puwang ang iringan at away-away kung gusto nating makabangon sa ating pagkakalugmok.

***

Dahil sa pandemya at social media ay nagbago na ang estilo ng pangangampanya ng mga kandidato.

Nandiyan pa rin ang mga tarpaulin, mga pagdalo sa mga party at motorcade.

Pero sa facebook at YouTube na ang labanan at banatan.

Alam ng mga kandidato na makakarating sa maraming tao ang kanilang mga mensahe, panawagan at patutsada sa mga kalaban.

Pati maliliit na bata ay may mga gadget na.

Kailangan din naman kasi nila ito sa para sa pag-aaral.

Kaya madalas ay nakikisali na rin sa usapang politika ang mga batang hindi pa botante.

Iba na talaga ang pangangampanya ngayon.

Pati asawa at anak ng mga kandidato ay may kanya-kanya ng pakulo sa social media.

Natatabunan na ang mga diyaryo, radyo at telebisyon.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #09178624484/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang amg buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment