Hong Kong: Paglaya mula sa Kolonyalismo

NAPAPANAHON na ang pagkilos upang palayain ng mga makabayan ng Hong Kong at Tsina ang Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) mula sa mga huling labi ng pagiging isang neo-kolonyal na teritoryo ng Gran Britanya.

Mula nang binalik ang Hong Kong sa Tsina noong 1997, ang kanilang sistemang edukasyonal, pang-hukuman at pang-pulitkal ay nagbigay ng labis-labis na bentahe sa mga Anglophile sa HK laban sa gobyerno.

Ngayon, sa alituntunin ng polisiyang ‘Patriots Only,’ ang pamamahala sa HK at tunay na ‘One Country, Two Systems’ ay maisasakatuparan na.

Ang Pilipinas ay dapat magalak na inalis na ng Tsina at HK ang mga huling labi ng neo-kolonyalismo na galing sa Kanluran sa Hong Kong;

Kabawasan ng isang panganib sa banta ng pagbabalik ng dominasyon ng Kanluran sa Asya.

Ang Pilipinas ay nakadepende sa Asya – ang ating kalagayang pang-ekonomiya ay nakasalalay sa isang tahimik at matatag na Asya at gayon na rin sa Tsina.

Hong Kong naman ang ika-5 pinakamalaking kasosyo natin sa kalakalan na kung saan ay may 250,000 OFWs na naroon at nagpapadala ng mahigit isang bilyong dolyar sa ‘Pinas bilang ‘remittance’ kada taon.

Ang Kanluran, partikular ang Britain at Estados Unidos kasama ang kanilang mga pulitiko at media ay kumikilos laban sa mga repormang pulitikal at pang-halalan na para sa kanila ay unti-unting pumapatay sa demokrasya ng HKSAR; kung susuriin ay hindi naman talaga nasa ilalim ng demokrasya kungdi nasa pamumuno ng British Governor na tinalaga ng Reyna ng Inglatera sa buong 156 taong paghahari ng mga British.

Nang ibalik ang HK sa Tsina noong 1997, may kasunduan na mananatili ang sistemang kapitalista sa HK, isang kondisyon na sinusunod ng Tsina hanggang sa kasalukuyan.

Si Premier Deng Xiaoping ang nagbuo ng kanyang malikhaing kataga sa alituntuning “One Country, Two Systems” upang gabayan ang pagsasakatuparan ng kasunduan.

Malinaw ang lohika ni Deng na pagbibigay-diin sa pagkakaisa ng HK at Tsina.

Hindi rin nakialam ang sosyalistang Tsina sa sistemang kapitalista ng HK. Ngunit mayroon mga taga-HK na gusto ang sistemang sosyalista na mga programa gaya ng presyo ng lupa, kayang-kayang presyo o libre pa at komportableng pabahay at iba pa.

Hindi rin nakialam ang sosyalistang Tsina sa sistemang kapitalista ng HK. Ngunit mayroon mga taga-HK na gusto ang sistemang sosyalista na mga programa gaya ng presyo ng lupa, kayang-kayang presyo o libre pa at komportableng pabahay at iba pa.

Ang nakakaintriga sa pag-aaral sa sistema sa Hong Kong pagkatapos ng pagbabalik sa Tsina noong 1997, ang panahon mula 2011-2019 sa kaguluhan at paghihirap ay nanatili ang mga elemento sa kultura at sistemang pulitikal na may bahid pa rin ng kolonyalismo na sumusuporta sa adhikain laban sa Tsina.

Dalawang aspeto ang nangingibabaw, ang mga paaralan at unibersidad ay pinabayaan upang maghasik ng phobia laban sa Tsino kasama ang sistemang pang-hukuman na hawak ng mga hukom ng Britanya.

Hindi rin kaila ang pag-amin na may ilang milyong pondo ang nilaan sa mga programa ang National Endowment for Democracy (NED, isang prenteng organisasyon ng CIA, sa nangyaring mga kaguluhan sa pangalan ng demokrasya (kuno).

Nahihirapan din ang pamahalaan ng Tsina sa pagpapaliwanag sa mundo ang ginagawang mga reporma sa sistemang halalan sa Hong Kong, at tayong mga Pilipino ay dapat makiisa sa pagtanggap sa mga repormang ito.

Sa paliwanag ni Chinese ambassador to the Philippines, HE Huang Xilian, “may daang libong Pilipino ang nagtatrabaho o naninirahan sa Hong Kong ang nakikinabang sa ‘One Country, Two Systems’ at sa pag-unlad at katatagan ng Hong Kong.

“Naniniwala ako na ang pagpapabuti sa sistemang elektoral ng HKSAR ay upang magkaroon ng mas mapayapa at matatag na kapaligirang panlipunan para sa mga Pilipino sa HK.

“Ito rin ay para sa pagkakaroon ng mas matatag na sitwasyong pulitikal at kasiguraduhan sa pagnenegosyo sa mga namumuhunan mula sa mga bansa kasama na nag Pilipinas.

“Ang kinabukasan ng Hong Kong ay magiging mas mabuti (para sa lahat)…”

(Herman Tiu Laurel (Mentong Laurel) is an author, writer and founder of the Phil-BRICS Strategic Studies think tank. Join his: “Power Thinks” with Ka Mentong Laurel and guests – Every Wednesday 6pm Live on Global Talk News Radio [GTNR] on Facebook and Talk News TV on YouTube; and Every Sunday 8 to 10am on RP1 738 on your AM radio dial).

Comments (0)
Add Comment