Ituon ang diskusyon sa isyu

MARAMING estudyante ang hindi makapapasok sa eskuwelahan sakaling ibalik na ang ‘face-to-face’ (F2F) classes.

Ito ay kung hindi papayagan ng gobyerno ang lahat ng ‘public utility vehicles’ (PUVs) pati na ang mga tricycle na pumasada.

Dahil limitado ang bilang ng mga pasaherong puwedeng isakay ng mga bus, jeep at tricycle ay mataas ang pamasahe ngayon sa buong bansa.

Kaugnay nito, dapat ring itaas ang limitasyon sa bilang ng mga pasaherong puwedeng sumakay sa public vehicles kapag inumpisahan na ang F2F classes.

Siguradong maraming bata ang walang pamasahe dahil maraming tao ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Hindi ito madali dahil sa tingin natin; matatagalan pa bago bumalik ang dating pamumuhay sa bansa kahit mawala na ang pandemya.

***

Pagkatapos ng hainan ng Certificate of Candidadcy (CoC) ay siguradong titindi pa ang bangayan sa pulitika.

Ngayon pa nga lang ay nag-umpisa na ang batuhan ng putik sa ibat-ibang parte ng bansa.

Sa totoo lang, grabe na ang patutsadahan, lalo na sa social media.

Sana huwag namang mauwi sa pisikal ang away-pulitika sa bansa.

Dapat ituon na lang ang diskusyon sa mga isyu na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng tao at bayan.

Ngayon kasi, direkta nang nakakausap ng mga pulitiko ang mga botante sa pamamagitan ng social media.

Hindi kagaya ng mga nakaraang eleksyon na sa dyaryo, radyo at telebisyon lang nagsasagutan.

Tsk tsk tsk….

***

Winasak ng Bureau of Customs ang mga nakumpiskang pekeng imported goods.

Nagkakahalaga ng P7.4 bilyon, ang mga produkto ay sinira sa ICT Compound sa Bagbaguin, Valenzuela City.

Ito ay kinabibilangan ng hair and body products at iba’t ibang footwear.

Ang pagwasak sa mga pekeng produkto ay dinaluhan ng mga taga-BoC, kabilang na ang mga taga-Intellectual Property Rights Division – Intelligence Group.

Nandoon din ang mga representante ng mga kompanyang pineke ang mga produkto na kinabibilangan ng Louis Vuitton, Crocs, Nike at iba pa.

Ang mga pekeng imported goods ay nasamsam ng mga operatiba ng Port of Manila at ng Intelligence Group sa ilalim ni Depcom. Raniel Ramiro at Enforcement Group sa ilalim ni Depcom. Atty. Teddy Raval.

Ang standing order ni BoC Chief Rey Guerrero ay higit pang paigtingin ang kampanya laban sa ismagling.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment