Isang magandang araw sa lahat ng ating mambabasa at muli, Maligayang Pasko sa inyong lahat.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Tata Yap Yamazaki, a Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kaibigan ng Filipino sa Japan, si Hiroshi Katsumata.
Binabati din natin si Joann de Guzman at mga kasama niya diyan sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nababago ang paningin ng publiko, kasama na ang mga ordinaryong mamamayan, sa mga taong nagtatrabaho sa Aduana.
Dati, ang akala ng maraming Filipino ay talagang pugad ng mga mababangis na ahas ang tinatawag na waterfront.
Sa totoo lang, noon maraming naglalaway sa mga matataas na puwesto sa Bureau of Customs (BOC).
Noon, pati mensahero at janitor ay balitang kumikita ng mas malaki pa daw sa take home pay ng opisyal sa ibang opisina ng gobyerno.
Kaya nga maraming mga politiko noon ang nagpapasok ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan at supporter sa BOC.
Pagdating ng halalan ay obligado naman ang mga ito na magbigay ng “kontribusyon” sa kanilang mga election campaign fund.
Madalas noon na marinig sa Aduana ang mga ito: “Bata ‘yan ni governor, mayor, konsehal, direktor, heneral at sekretaryo.”
Ang maganda ay unti-unting nawala ang katiwalian at korapsyon sa Aduana.
Hindi na basta makapag-fund raising ang mga alipures ng mga politiko dahil pinaigting na ang anti-corruption drive sa waterfront.
Kagaya sa ibang opisina ng gobyerno, nandiyan pa rin ang korapsyon sa waterfront pero hindi na talamak.
Lalo na nang pumasok ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Ang unang direktiba nga niya Kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay patigilian ang mga kabulastugan sa ahensiya.
Lalo na ang ismagling ng mga droga at produktong agrikultura na nagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda.
Ang gusto nga ni Pangulong Marcos ay mapabilis ang computerization ng mga proseso sa ahensiya para mawala ang katiwalian at korapsyon at lumaki pa ang revenue collection para makatulong sa implementasyon ng kanyang mga proyekto at programa.
Hindi kasi maipatutupad ang mga ito kung walang sapat na pondo.
***
Sunod-sunod ang seizure ng mga illegal drugs na ginagawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Ang mga anti-drug operations ng BOC ay sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at ibang ahensya ng gobyerno.
Ang mga kontrabando ay nanggagaling sa labas ng bansa.
Mabuti na lang at alerto ang mga taga-BOC na naatasang mag-examine sa mga shipment at mga bagahe.
Gamit ang x-ray scanning machines at sniffing dogs ay nabubuko nila ang mga kontrabando.
Kapag binuksan ang mga shipment at luggage ay dito na bumubulaga ang mga nakatagong iba’t iba klase ng kontrabando.
Ang mga iligal na droga ay kinabibilangan ng shabu, kush o high-grade marijuana, cocaine at ecstacy.
Kailangan talaga ay lalo pang paigtingin ang inspeksyon sa mga airport at seaport sa buong bansa.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa +63 9178624484)