‘Mainstream media’ may “hugot” kay Mayora Calixto

ATTENTION, Pasay City Mayora Emmie Calixto.

Baka hindi mo pa alam na may “hugot” sa iyo at sa iyong ‘media team’ ang mga mamamahayag, partikular na ang hanay ng mga “maniniyot” (read: ‘photo journalists’) sa ‘mainstream media?’

Bukod daw kasi sa “pinipili” lang ng iyong media team ang mga kasapi ng media na bibigyan ng balita (at marahil, “grasya”), aba’y hindi rin (daw) man lang “magpasalamat” kahit “tapik lang sa balikat” sa mga litrato at balita na inilalabas ng mainstream media na nagco-cover sa iyong tanggapan.

Hmm. Dahil ba hindi “pasok” sa iyong media list, tama ba, kasamang Boyet Guillermo at Danny Bacolod?

Kahit paano ay personal nating kilala ang mga “nadededma” na kasapi ng media d’yan sa Pasay dahil karamihan sa kanila ay kasapi ng NPC.

Natutuwa naman tayo na kahit “nababastos,” propesyunal pa rin ang pakikitungo nila kay Mayora Emmie.

Sa ganang atin, “nagtataka” naman tayo sa masagwang pakikitungo ng tanggapan ni Mayora Emmie sa media dahil sa ating pagkaalam, ang kanyang PIO (public information officer) ay itong ating kaibigan—at kumpare—na si Eduardo ‘Junjun’ Burgos, na dating reporter ng ‘Today’ at ‘Manila Standard.’

‘Anyare kaya?

Translation? Aba’y hamak pala talaga na mas magaling “makisama” sa media si Parañaque City mayor, Edwin Olivares d’yan sa bandang Southern Metro Manila!

Eh, kahit naman talaga matagal na kaming hindi nagkikita o nagkakausap man lang, “kampante” tayo na ituring na “kaibigan” ni Mayor Edwin hanggang ngayon, tama ba, city administrator, Atty. Ding Soriano?

Mainam din sigurong ipaalala kay Mayora Emmie na mayorya ng residente ng Pasay ay mahihirap na hindi kada minuto ay nakatutok sa kanilang ‘Facebook’ dahil mas gusto nilang magbasa ng diyaryo, saglit na manood ng telebisyon o makinig ng radyo.

‘And yes, Mayora Emmie,’ sa kasaysayan ng pulitika, wala pang kandidato na naipanalo ang Facebook, sakaling napaniwala ka ng iyong mga ‘media handlers’ na basta palaging “nakabalandra” sa ‘social media’ ang iyong mukha at mga ‘accomplishments’ ay ‘sure win’ ka na sa halalan sa susunod na taon, hane?

Ang makabuluhan kasing impormasyon (at balita) na “pakikinabangan” ng kahit sinong kandidato hanggang eleksyon, nanggagaling pa rin sa mainstream media.

Tama ba ako, SPPA president Cesar Morales?

Abangan!

Comments (0)
Add Comment