SA KABILA ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS) ay patuloy pa rin ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China.
Noon ngang nakaraang Abril 18, 2023, Martes, ay nagpulong ang mga matataas na opisyal ng Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at Chinese Embassy sa Manila.
Ang sentro ng usapan ay kung paano ma-improve ang “collaboration between the two agencies to facilitate air cargo shipments for Chinese travelers.”
Dumalo sa pagpupulong sina Port of NAIA District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan at Chinese Embassy head of consulate Wang Minhao at Consul Cao Kaiwen.
Sinabi ni Minhao na balak nilang mag-donate ng translator devices sa Port of NAIA para ma-address ang “language barriers” with Chinese travelers sa Pilipinas.
Nakahanda rin ang embahada na mag-train sa mga personnel ng Port of NAIA, na pinamumuan ni Collector Talusan, anak ni dating Deputy Commisioner Julie Singson-Manahan at pamangkin ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Ayon sa pahayag ng BOC, Talusan “expressed her commitment to the partnership and trainings,” which would strenghten trade facilitation, promote tourism and investment in the country.
Pagkatapos ng pulong ay binisita ng mga Chinese Embassy officials and BOC-NAIA Exhibit Hall, kung saan makikita ang mga achievement ng Port of NAIA.
Under the guidance of Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, isang Ilocano na kagaya ni Pangulong Marcos, ang Port of NAIA ay nagpo-provide ng excellent service sa kanilang stakeholders.
Ito naman ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na lalong pagandahin ang serbisyo ng lahat ng ahenisiya ng gobyerno.
***
Nagdaos kamakailan ng intelligence summit ang ilang concerned agencies, sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC).
Ang inter-agency intelligence summit ay ginanap para labanan ang ismagling sa bansa, isang problemang sakit ng ulo ng mga otoridad at taumbayan.
Layon ng summit na tugunan ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos “to curb all forms of smuggling” sa bansa.
Talagang lahat ay ginagawa ng ilang tusong negosyante, katulong ang mga tiwaling lingkod-bayan, para iligal na makapagpasok ng mga produkto sa Pilipinas.
Nandiyan ang outright smuggling at technical smuggling, na paboritong gawain ng mga nagpaparating ng kontrabando.
Ang tingin ng mga ito ay mas magastos ang outright smuggling kesa technical smuggling.
Kasi sa technical smuggling ay ilan lang tiwaling lingkod-bayan ang “lalangisan” at puwede ng makalusot ang kanilang mga kargamentong may mga “palaman.”
Pinag-usapan ng mga dumalo sa summit kung paano palakasin ang kooperasyon “among national law enforcement agencies and enhance border protection measures against smuggling.”
Dumalo sa miting ang mga kinatawan ng National security Council, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang summit participants ay ibinahagi rin ang kanilang “best practices and expertise, introducing innovations and initiatives in intelligence operations and law enforcement in their respective agencies.”
***
Mabuti naman at dumarami na ulit ang nagsusuot ng face mask kahit na hindi na ito mandatory.
Batid na ng marami sa atin ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar, kagaya ng shopping malls, pamilihang bayan at terminal ng mga bus.
Isa pa, wala namang mawawala sa isang tao kung laging sumusunod sa minimum health protocols.
Kabilang na ang palagiang paghuhugas ng kamay para maalis ang mga mikrobyo na kumapit sa ating mga kamay habang nasa labas ng bahay.
Inuulit natin. Hindi lang coronavirus disease 2019 ang nakakahawa at nakamamatay na sakit.
Marami pa diyan. At malaki ang maitutulong ng pagsusuot ng face mask para hindi tayo mahawa, lalo na ang mga matatanda at bata na mahilig pa namang mamasyal sa matataong lugar.
Huwag natin kalimutan na magastos ngayon ang magkasakit. Talagang mababaon ka sa utang.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).