Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

ISANG magandang araw at Masaganang Bagong Taon sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na sa Japan at iba pang parte ng mundo. Nawa’y lagi kayong patnubayan ng Panginoong Diyos.

Binabati natin sina:

Ma.Theresa Yasuki, Josie Gelo, Roana San Jose, La Dy Pinky, Endo Yumi,Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan, Hiroki Hayashi,  at ang mahal ng  mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at kanyang mga kasama diyan sa Oman. Muli, Happy New Year sa inyong lahat!

***

Hanggang ngayon ay problema pa rin sa bansa ang iligal na droga.

Hindi sa walang ginagawa ang mga otoridad, lalo na ang mga pulis at lokal na pamahalaan bagkus, talagang mahirap puksain ang problemang ito.

Kung saan-saan kasi nanggagaling ang mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, cocaine, marijuana at ‘Ecstasy.’

Ang mga nasabing droga ay nagkalat sa buong bansa.

Sa totoo lang, maraming nanggagaling sa labas ng bansa na dangerous substances ang ipinapadala sa pamamagitan ng air parcel.

Madalas ay nakatago sa mga parcel na dumarating sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa siyudad ng Pasay.

Ang iba naman ay naakapaloob sa mga shipment na dumarating sa mga ports of entry, kasama na ang Port of Clark sa Pampanga.

Ang maganda lang ay nade-detect ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng scanning machines at sniffing dogs.

Alam na ng mga highly-trained customs personnel kung may mga nakatagong prohibited drugs sa isang shipment.

Sa ngayon, mahirap lumusot ang mga kontrabando dahil “super alert” ang BOC at mga partner agencies nito.

Kamakailan nga ay naka-intercept ang BOC ng ecstasy tablets sa Port of Clark (POC).

Nagkakahalaga ng mahigit P1.1 milyon, ang mga tabletang ecstasy ay galing ng Germany at nakatago sa isang “boiling heater.”

Dumating sa Port of Clark noong Disyembre 4 ang nasabing shipment.

Nagsuspetsa ang mga taga-BOC na may ibang laman ang shipment nang lumabas sa scanning machine ang “unusual images.”

Ang scanning ay isinagawa ng mga tauhan ng X-ray Inspection Project (XIP) na naka-assigned sa Port of Clark.

Dumaan din sa K-9 sniffing ang bagahe. Pagkatapos nito ay idinaan sa physical examination ang shipment,

Dito na nakita ang 2.05 kilograms ng ecstasy, ayon kay District Collector Jairus Reyes.

“Through the continued and collective efforts of our agents, this remarkable achievement has been achieved,” sabi Reyes.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na tuloy-tuloy ang collaborative efforts ng iba’t ibang state agencies upang labanan ang iligal na droga.

***

Martes ng gabi, Disyembre 31, ay sasalubungin na natin ang Bagong Taon.

Sana walang masaktan sa pagsalubong natin ng 2025, isang “election year.”

Iwasan na natin gumamit ng rebentador at iba pang nakasasakit na bagay.

Huwag nating kalimutan na magastos ang masugatan.

Mahirap nang maputulan ng daliri, at iba pang parte ng katawan.

Puwede ring pagmulan ng sunog ang mga paputok at ibang pyrotechnic devices.

Ang maganda, salubungin natin ang 2025 sa pag-ihip ng torotot at pagkalampag ng kaldero at lata.

Tama ba kami, Health Secretary Teodoro Herbosa at DILG Secretary Jonvic Remulla?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa # +63 9178624484; email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).