Mga iho de putang pulis sa Bulacan

MGA iho de puta at anak ng puto ang mga pulis na sumalakay sa bahay ng ating kasama sa pamamahayag na si Orlan Mauricio sa Malolos, Bulacan.
Aba’y parang lulusob sa giyera ang mga pulis nang i-raid ang bahay ni Mauricio dahil sandamakmak ang mga hinayupak at armado ng malalakas na armas ngunit nangabigo dahil wala naman silang nakitang hinahanap na mga baril.
Yes, mga baril daw ang nakasaad sa search warrant na “bitbit” ng mga linsyak, este, lespiyak pero droga ang inaamoy-amoy ng mga “aso” ng Bulacan Police.
Agad kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang raid na ito ng PNP sa bahay ni Mauricio. Si Mauricio ay lifetime member ng NPC at reporter sa Bulacan ng Manila Standard.
Ayon kay NPC Vice President Paul Gutierrez, nakagagalit ang ginawang raid sa bahay ni Mauricio dahil habang nagaganap ang “paghahalungkat ng ebidensiyang maipandidiin” sa mamamahayag ang mga pulis, may mga kumalat o ipinakalat na kaagad na mensahe sa ilang media entity at sa probinsiya na ang pagsalakay ay may kinalaman daw sa droga.
Nabatid na ang kumalat na mensahe ay nanggaling mismo kay Bulacan Governor Daniel Fernando na madalas batikusin ni Maurico sa kanyang mga artikulo at FB account.
Bakit alam ni Gov. Fernando ang ginawa ng mga pulis at siya pa ang nagpakalat ng “tsismis” sa media na iyon ay “PDEA raid”. Siya ba ang may utos nito?
Sinabi ni Mauricio kay Gutierrez nang magkausap ang dalawa sa telepono na dahil wala namang napatunayan o nakuha sa raid, basta na lamang lumayas ang mga awtoridad na hindi sinasabi kung sino ang kanilang team leader o kung sino ang nasa likod ng harassment sa kanya.
“The Club denounces, in the strongest possible term, the complicity, wittingly or unwittingly, of the Bulacan PNP, under Col. Lawrence Cajipe, and the local municipal court, over their participation in the flagrant violation of the civil rights of Mauricio for political ends,” ang mariing pahayag ni Gutierrez.
Anyway, sinampahan na ng kaso ni Mauricio sa NBI-Central Luzon ang mga pulis na sumalakay sa kanyang bahay.
Pinag-aaralan na rin ng NPC ang gagawing aksyon laban sa Bulacan Police, maging kay Gov. Fernando na hinihinala ni Mauricio na siyang nasa likod ng tangkang pagdadawit sa kanya sa droga at pag-iingat ng baril.
-o0o-
Hindi na tayo nagulat kung bakit ganito “katarantado” sa pagtatrabaho ang ilang miyembro ng Bulacan Police.
Tingin ko ay mayroon silang iniidolo, pinaparisan o ginagawang modelo.
Ang hepe ng Bulacan Police ay si P/Lt. Col. Lawrence Cajipe na kahit saan malagay o mapuwesto ay palaging sumasabit ang mga tauhan sa “napakababoy” na operasyon at walang paggalang sa karapatang-pantao ng mga sibilyan.
Sa San Jose del Monte, 11 tauhan ni Cajipe ang nasangkot at kinasuhan sa pag-salvage sa tatlong lalaki kamakailan.
Ang tatlong lalaki ay hinuli nang walang kaso at dahilan. Makalipas ang ilang oras, inilabas sa selda ang mga lalaki at pinalabas na nanlaban sa isang buy-bust operation. Malinaw na salvage ang ginawa sa mga biktima.
Noong nasa Western Police District na ngayo’y Manila Police District si Cajipe, siya ang hepe sa isang presinto na humuli sa tatlong isnatser sa Divisoria
Isinalvage ang tatlong lalaki at natagpuan ang mga katawan sa isang liblib na lugar sa Tagaytay.
Wala talagang perpektong krimen, isa sa vendor ang “himalang nabuhay” kaya siya ang naging dahilan ng pagsabog ng istorya na isinalvage sila ng mga pulis.
Ngayon sa Bulacan, sunod-sunod ang ulat na may napapatay ang mga pulis na tulak sa isinasagawa umanong buy-bust.
Maniniwala na sana tayo na palaging napapasabak sa “engkuwentro” laban sa mga drug trafficker ang Bulacan Police, kung hindi lang sumabog ang pag-salvage sa tatlong lalaki sa San Jose del Monte.
Buwakanabits!

Comments (0)
Add Comment