‘Para sa tao,’ ito ang kahulugan ng gobyerno—Isko

MGA tagumpay sa hirap at pagsisikap na umangat sa buhay ang nagturo kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng halaga ng matapat na sakripisyo at kasiyahan sa paglilingkod sa taumbayan.

Ito ang inilantad ni Yorme Isko sa virtual meeting ng alkalde sa mga Filipino-American sa Los Angeles, California.

Pagmamalasakit, pag-unawa at masikap na pagtugon sa mga problema ng masang Pilipino ang naitanim sa puso at isip niya, sa loob ng 23 taon na serbisyo sa bayan, sabi ng alkalde.

Ipinakita niya sa tao, sabi ni Isko na kahit ano pang hirap at tiisin ang masasagupa, “you can go to the finish line.”

Sa virtual meeting, ikinuwento ni Isko ang maraming bubog, may mga pako sa kalsada, o “stumbling blocks along the way” na nasagupa niya sa buhay mahirap at buhay artista at politika.

“Yung pagpupursigi, perseverance and understanding your people,” aniya, ang pinakamahalagang aral na natutuhan niya sa buhay.

Sa serbisyong bayan, ang diwa ay maunawaan at pagmalasakitan ang taumbayan, sabi ng alkalde.

“You know that’s the essence of governance. You govern because you understand the people. You must be connected to the people,” sabi ni Yorme Kois, na kandidatong pangulo ng partido Aksyon Demokratiko.

Paliwanag pa ni Yorme: “Simula noong mag-Alkalde ako, yung focus, yung North Star of the governance of Manila is all always about the people– pagiging maayos, walang kadugyutan, certainty of rules, housing to give back dignity, schools, hospitals, parks, open space for the future, clean air, highly urbanized city.”

Kulang ang tatlong taon mula ng maging alkalde ng Maynila noong 2019, ipinakita ni Yorme Isko na basta may tatag ng isip at kilos, makakayang linisin ang kalat, dumi at gulo sa paligid ng Divisoria at Quiapo sa loob ng ilang araw lamang.

Kayang tapusin sa kulang na dalawang buwan basta masipag at matiyaga lamang ang  344-bed Manila COVID-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand; basta may matapat na layunin, maibibigay ang maayos na murang pabahay sa mahihirap at pamilyang iskwater.

Dahil alam ni Isko na lakas sa pag-anga ang edukasyon, naipatayo niya ang primera klaseng gusaling paaralan at namigay pa ng mga gamit elektronikong kompyuter, tablet, cellphone at iba pa sa paaralang bayan.

Dahil naranasan mismo ni Isko ang hirap ng walang pera kung nagkakasakit, nagpatayo at pinagbuti ni Yorme Isko ang serbisyong medikal at walang tigil ang kaloob-ayuda sa mas nangangailangang pamilya na mabagsik na tinatamaan ng pandemyang COVID-19.

Ganyan ang diwa ng gobyerno, banggit ni Isko sa kausap na Filipinong-Amerikano.

“…Tao ang basis (ng gobyerno), tao yung bida, tao yung nauuna,” aniya.

Basta may tiwala sa sarili, matatag ang paninindigan na gawin ang nais ano man ang balakid, magagawa ang hindi kayang gawin ng iba, pahayag ng alkalde.

Kayang magawa sa Pilipinas ang nagawa niya sa Maynila, tiwalang sabi ni Yorme Isko.

“In fact, it’s duplicable and scalable, so we can do it anywhere. We can do it. It’s always the principle behind governance – what you believe, it’s not what you politically believe.”

Iniaalay na niya ang buong sakripisyo at buhay niya sa serbisyong bayan, diin ni Isko. “…Iniaalay ko na ang buhay ko sa 23 years of public service, because I value the mandate, I value the opportunity. Pinagsikapan ko ang lahat ng ito,” sabi ng 47-anyos na alkalde ng Maynila.

Iba ang may kaalaman at pinag-aralan kaya nagsikap si Yorme Isko na nakakuha ng Business Administration degree sa International Academy of Management and Economics (IAME); nakadalawang taon siya sa Arellano University Law School; Master degree in Public Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), at Local Legislation and Local Finance sa University of the Philippines (UP).

Bunga ng tiyaga at sikap, nakuha ni Isko ang post-graduate studies sa Harvard University under Executive Education Program, at sa Oxford University sa England, tinapos niya ang Strategic Leadership Program.

Inarmasan niya ng karunungan at karanasan ang ambisyong maging pangulo ng Pilipinas, sabi ni Yorme Isko.

“So I prepared for this, preparing it, doing it, equipping myself and I am ready,” aniya sa kamiting na Filipinong Amerikano sa California, USA.

***

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments (0)
Add Comment