PBBM, nakatutok sa sektor ng agrikultura

Malaking bagay na naka-focus ang atensyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura.

Sa totoo lang, hindi natin makakamit ang food security kung hindi natin pagtutuunan ng pansin ang pagmo-modernize ng Philippine agriculture.

Hindi uubarang umaasa lang tayo sa ibang bansa para may kainin ang mahigit isang daang milyong Pilipino, na karamihan naman ay nabubuhay “below the poverty line.”

Kaya nating pakainin ang mga kababayan natin at puwede pa tayong makapag-export ng mga produkto natin, kasama na ang bigas, mais at mga gulay.

Ang kailangan lang ay all-out support ng gobyerno at pribadong sektor para umunlad ang ating mga magsasaka, mangingisda at iba pang farm workers.

Kaya nga hindi basta mapabayaan o maibigay kung kanino lang ni PBBM ang pagtimon sa Department of Agriculture.

Alam at kapado niya kung ano kailangang gawin sa DA.

Tama ba, Pangulong Bongbong Marcos Jr.  at Vice President Sara Z. Duterte?

***

Sa tingin natin ay karamihan ng mga drogang nagkalat ngayon sa  bansa  ay nanggagaling sa ibang bansa.

Maliban siguro sa marijuana, na paminsan-minsan ay may nasasakote na nanggagaling sa ibat-ibang parte ng Pilipinas, lalo na sa Cordillera Administrative Region.

Pero mabuti naman at alerto ang mga taga-Bureau of Customs (BoC) sa ibat-ibang ports of entry, kabilang na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Sa Port of NAIA, na pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” M. Talusan, ay talagang mahirap makalusot ang mga iligal na droga.

Highly-trained ang mga tauhan ni Collector Talusan para pigilan ang pagpasok ng shabu at iba pang prohibited drugs sa bansa.

Siyempre nandiyan din ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board, at iba pang ahensya ng gobyerno para umalalay sa BoC.

***

Sa Port of Cebu naman ay nag-meeting kamakailan ang mga lingkod-bayan para paigtingin ang kampanya laban sa pagpasok ng iligaL na droga sa ating bansa.

Ang meeting ay pinangunahan nina Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza at PDEA Regional Director Levi Ortiz.

Dumalo din sa naturang pagpupulong ang mga intelligence, enforcement at x-ray personnel ng Port of Cebu.

Matatandaan na kamakailan ay nagdekalara si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ng “total war” laban sa iligal na droga.

Isa sa marching orders ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Customs Commissioner Yogi Filemon Fernandez ay ang pagsugpo sa illegal drug business sa bansa.

Kaya naman lalong pinaigting ng BoC ang pagbabantay sa 17 ports of entry para walang makalusot na prohibited drugs sa bansa, kasama na ang mga kemikal na gamit sa paggawa ng shabu.

Sa Port of Cebu ay matagal na rin ang partnership ng BoC at PDEA para mapigilan ang pagpasok ng habit-forming substances sa nasabing puwerto.

Kasama rin ang ang mga taga-PDEA-7 kapag nagsasagawa ng controlled delivery operations.

Maliban sa state-of-the-art x-ray scanners at sniffing dogs , may modern  portal x-ray machine ang Port of Cebu. Kayang-kayang i-scan ng machine na ito ang 150 containers sa isang oras.

May dalawa ring Trace Detection System machines na makaka-detect ng explosives, narcotics at ibang drug substances sa loob ng mga kargamento.

***

Grabe ang pinsalang dulot ng Bagyong Paeng sa halos buong Pilipinas.

Maraming pinatay ang bagyong ito, lalo na sa Maguindanao na kung saan mahigit na 40 residente ang nalunod o natabunan ng landslide noong kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa report, 14 sa 17 regions ng bansa ang sinalanta ng mga rumaragasang tubig-baha at malalakas na hangin na dala ng Bagyong Paeng.

Ang masakit pa ay madaling tumaas ang tubig hindi lang sa mga ilog kundi sa mga kabahayan dahil saturated na daw ang lupa dulot ng pag-uulan bago dumating ang Paeng.

Sakit ng ulo na naman ito ng gobyerno dahil nagsisimula pa lang tayong bumangon pagkatapos ng mahigit dalawang taong paghihirap natin dahil sa COVID-19 pandemic.

Pero sa patuloy na pagtutulungan, kayang-kaya pa nating bumangon sa ating pagkakalugmok.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawagvo mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment