Puslit na ‘Chinese meds,’ timbog sa CIIS, NBI

“MATAAS” ang P616.7-bilyon na ‘revenue collection target’ ng ‘Bureau of Customs’ (BoC) para sa taong ito, 2021.

Pero sa tingin naman ng mga ‘waterfront observers,’ kaya itong maabot ng administrasyon ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Ang target ay P77 bilyon lang na mataas sa koleksyon nila noong nakaraang taon.

Sa opisyal na datos, ang 2020 collection ng BoC ay umabot ng P539.7 bilyon, lampas pa nga ng 6.6 porsiyentto sa P506.2 bilyon target.

Sa taong ito, inaasahang lalaki ang tax collection ng BoC mula sa fuel marking program ng gobyerno.

Lalaki rin ang buwis na makokolekta mula sa importasyon ng bigas.

Inaasahan din na sisigla ang importation business dahil magkakaroon na tayo ng bakuna laban sa Covid-19.

Para maabot ang 2021 P616.7 bilyong target, kailangang umabot ng P51.4 bilyon ang average monthly tax collection ng BoC sa taong ito.

Pero ibang usapan na kung mapapalitan si Sir Jagger sa Aduana.

Diyan magkakawindang-windang ang trabaho sa pantalan.

Tama ba kami Finance Sec. Sonny Dominguez?

***

Meron na palang ipinagbibiling puslit na gamot laban sa Covid-19 sa bansa.

Nalaman ito nang salakayin ng mga taga-Bureau of Customs o BoC ang isang bodega at storage facility sa Paranaque City noong nakaraang Biyernes.

Nakita ng mga taga-CIIS ng MICP sa storage facility ang iba’t-ibang Chinese medicines.

Ang mga gamot ay kinabibilangan ng Lianhua Qingwen, na ipinagbibili bilang gamot sa Covid-19.

Nakakumpiska rin sina Alvin Enciso, hepe ng CIIS-MICP, ng sigarilyo, pagkain at iba pang puslit na produkto.

Ang mga nakumpiska ay nagkakahalaga ng P9 milyon.

Kasama sa operasyon ang mga taga-NBI.

Ginawa ang operasyon sa bisa ng Letter of Authority na pirmado ni Commissioner Guerrero.

Pinuri naman ni Depcom Raniel Ramiro ang pagkakakumpiska ng mga kontrabando.

Lalo pang pinalalakas ng BoC ang kampanya laban sa ismagling.

***

Sa Port of Clark naman sa Pampanga ay nakasakote ang mga tauhan ni District Collector Ruby Alameda ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Tumitimbang ng 1,000 gramo, ang shabu ay nakatago sa isang air fryer.

Galing sa Malaysia ang shipment na dumating sa bansa noong Pebrero 16.

Ang claimant naman ng kargamento ay nahuli sa Cebu City noong Pebrero 19.

Nang makumpirma na shabu ang laman ng shipment ay nag-isyu kaagad si Collector Alameda ng Warrant of Seizure and Detention (WSD).

Another ‘good job,’ sa mga kaibigan natin diyan sa Port of Clark.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment