Repasuhin ang ‘Cybercrime Prevention Act’

SA CYBERCRIME PREVENTION ACT of 2012, bawal at may parusa laban sa 1) illegal access; 2) illegal interception; 3) Data interference; 4) System interference; at 5) Misuse of devices.

Bawal din sa batas ang forgery, at identity theft, Cybersex, Child Pornography, Unsolicited commercial communications, online prostitution, pag-upload ng sex video para manghingi ng pera o blackmail na ang parusa ay kulong na anim (6) na taon hanggang 12 taon o multang P200,000 hanggang P1-milyon.

Kasama rin sa bawal at ilegal na gawain sa CyberCrime Prevention Law ay ang pag-hack ng isang website o Facebook account, pati ang pagtatanim ng computer viruses, at ang parusa ay may kulong na mula anim (6) hanggang 12 taon o multang mula sa P200,000 pataas, ayon sa hatol ng korte.

Ang ibang krimen sa batas na ito ay ating sinusuportahan kasi nga, proteksiyon ito sa ating lahat, pero ang nakasira sa ganda ng batas na ito ay ang cyberlibel clause na isiningit daw ni Sen. Sotto III.

Ano ang sinasabi sa libel clause?

“(4) Libel – The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code (RPC), as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.”

Ayon sa Art. 355 ng RPC: “A libel is public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

Opinyon ko lang ito at marahil ang celebrated Pepsi Paloma case at mga istorya na umiikot tungkol dito ang nag-udyok kay Tito Sen na isingit ang libel clause.

Natatandaan ko, sinulatan pa ni Sen. Sotto ang PDI na alisin ang istorya tungkol kay Pepsi Paloma na ikinukunekta siya at ang kapatid na Vic Sotto sa kasong ito — na inalis naman ng pahayagang Inquirer.

Unang “biktima” ng CyberLibel ay si Maria Ressa, CEO ng Rappler at former researcher nito na si Reynaldo Santos Jr. sa kasong isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Hindi ko na susulatin ang pros and cons ng kasong ito.

Ang nakagigimbal ay ang hatid nitong takot sa ating mamamahayag.

Isipin na ang pagpintas, kunwari sa isang pulitiko sa personal blog ay malaking kaso na pwedeng magbakasyon ang isang journalist sa Bilibid.

Opinyon ko lang ito at marahil ang celebrated Pepsi Paloma case at mga istorya na umiikot tungkol dito ang nag-udyok kay Tito Sen na isingit ang libel clause.

Matatandaan ang nangyari sa isang titser nang nagpahayag ng kanhyang pagkasuklam kay Pres. Duterte na dinakip kahit walang warrant of arrest nang i-blog na handa siyang magbigay ng P50-M sa “papatay” sa Pangulo.

Alam nating hindi totoo ang threat na iyon kungdi pagpapahayag lamang ng galit at kritisismo sa administrasyon.

Nakatatakot ang (a) Section 5 ng batas na ito (“Aiding or abetting in the Commission of Cybercrime,”) na libelous na ang pagpindot ng “like” o “retweet.”

Ang ‘pag-share’ ay may parusa rin sa batas na ito at kahit ang pagpapahiram ng charger sa isang tao na gagamit ng cellphone para magtuligsa ang isang pulitiko ay sapat na rin para makasuhan ang isang netizen!

Ang daming “Malabo” o ‘vague’ sa batas na ito.

***

Personal ang paniniwala ko: ang pagsingit ng Art. 355 ng RPC sa Anti-CyberCrime Act ay ‘unconstitutional;’ kontra, salungat at taliwas ito sa Article 3, Section 4 ng ating Saligang Batas na ganito naman ang nasusulat: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or of the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Dapat repasuhin ang batas na ito, lalo na ang malalabong probisyon nito na totoong kontra sa malayang pamamahayag at malayang pagpapahayag na sabi nga ng United Nations, isang basic human right ang paggamit ng Internet, lalo na sa panahong ito na tayo ay isa nang ‘global village.’

Dapat na hayaan ang lahat na malayang makapagpapahayag ng kanilang saloobin nang walang dapat ikatakot.

Kakabit ito sa ating hiling na i-decriminalize ang Libel sa ating RPC.

Ang masakit pa, sa CyberCrime Law sa online media, ang parusa ay one-degree higher kumpara sa orihinal na libel law in print at broadcast.

Ang nakatatakot, kahit kasuhan ka sa online libel pwede ka pang kasuhan sa orihinal na libel law na sa tingin ko, ito ay “double jeopardy”.

Marami pang nakatatakot at nakagigimbal na provision ang Cybercrime Law — na saklaw ang Internet activities ng mga Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Kahit ka nasaan, kawawa ang isang Pinoy na nagsulat online dahil sakop siya ng batas na ito.

Sa orihinal na libel law, ang demanda ay sa korte na sumasakop sa lugar kung saan unang na-published ang artikulo pero sa Cyberlibel, wala ritong nakalagay kung saan “first published” tulad nang nangyari sa guilty verdict ni Maria Ressa.

Hindi kakampi ng malayang pamamahayag at karapatan ng netizen ang batas na ito.

Dapat itong baguhin, rebyuhin!

(Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments (0)
Add Comment