Showroom ng luxury vehicles sa QC, Pampanga, sinalakay ng BoC

SA KASAYSAYAN ng mundo, lahat naman ng pandemya at epidemya na pumatay ng maraming tao ay natapos din. Ganyan din ang mangyayari sa Covid-l9 pandemic.

Lilipas din ang pandemyang ito na pumatay ng maraming tao sa buong mundo.

At nagpalugmok sa pandaigdigang ekonomiya na nag-resulta naman sa malawakang kahirapan, kagutuman at kawalan ng trabaho.

Ang kailangan lang ay sumunod tayo sa mga ipinag-uutos ng mga otoridad habang naghahanap ng lunas sa sakit na ito.

Huwag na tayong maging pasaway para tuluyan ng matigil ang pagkalat ng nakamamatay virus.

Sana magkaroon na tayo ng tinatawag na “herd immunity”bago mag-Pasko.

Sabik na ang lahat na ma-enjoy ang holiday season na sobrang na-miss natin noong nakaraang taon.

Higit pa nga at panahon pa ng kampanya ng mga kakandidato sa darating na May 9, 2022 election. Pero kahit na magluwag pa ang mga panuntunan, dapat pa rin tayong mag-ingat at huwag maging kampante.

***

Ang lalakas talaga ng loob ng mga ismagler.

Biruin mo, ilang luxury cars at big bikes ang naka-display sa dalawang showrooms kahit na wala silang importation documents!

Mabuti na lang at matunog ang mga taga-Bureau of Customs o BoC.

Sa tulong ng NBI at PCG, pinuntahan ng mga tauhan ng BoC ang dalawang showrooms sa Quezon City at San Simon, Pampanga noong Huwebes.

Dito nila nakita ang ilang Lamborghini, Ferrari, Jaguar, Mercedes Benz at big bikes, na kagaya ng Ducati.

Ang mga inspection team ay armado ng Letter of Authority o LOA na pirmado ni BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

Bago ang inspeksyon ay nakatanggap ng report ang MICP na may mga puslit daw na mamahaling sasakyan ang dalawang showrooms.

Ang inspection team ay pinamunuan ni MICP-CIIS Chief Alvin Enciso.

Ang mga may-ari ng mga sasakyan ay binigyan ng l5 days para ipakita ang mga papeles ng mga sasakyan.

Kung hindi ay kukumpiskahin ng BoC ang mga nasabing sasakyan dahil sa paglabag sa CMTA.

(Para sa inyong komento at suhestiyon. Tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment