Si Benny at si Teddy

BAGO ang lahat, narito ang isang importanteng ‘public announcement’ para sa ating kababaihan. Para sa inyo ito, ladies of the Philippines:

The 2021 search for the Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) begins.

The Republic Defenders and San Miguel Corporation launched the second search for the ten outstanding women amidst the Covid-19 pandemic.

The first OWLENS awarding ceremony happened at the Heroes Hall in Malacañan Palace on March 11, 2019 led by President Rodrigo Duterte. The celebration also coincided with International Women’s Month every March.

Awardees composed of the finest members from the PNP, LTO, PCG, MMDA, Army Cavalry and Artillery and the Philippine Air Force Attack Pilots who contributed in the national victory of the liberation of Marawi were all honored being a source of pride for Filipino Women throughout the nation.

OWLENS recognizes the achievements of women who are exemplars in their field of expertise.

We celebrate women and their roles in nation building.

The next search will include civilians who are contributing to other forms of national security such as food and healthcare security. The search is also on for the frontline heroes fighting against the Covid-19 crisis.

Project OWLENS spirit is all about championing women empowerment.

***

“BIDANG-bida” ngayon itong ating dating “kasama” sa kabataang makab, err, ‘youth sector’ na si ex-CEGP national president, Teddy Casiño.

At ang kanyang ’10-second fame’ sa social media at twitter ay ang kanyang patuloy na pambabastos kay ex-NPC president, Benny Antiporda, ngayon ay undersecretary at spokesman ng DENR.

Kung ang mga banat at hugot ni Casiño ay bilang matapat na pagsunod sa “linya ng partido,” siya lang ang makasasagot nyan.

Gusto kasi nating maniwala na marunong namang “tumanaw ng utang na loob” itong si Teddy kay Benny at sa National Press Club dahil kahit bukod sa pagbibigay noon ng libreng opisina sa CEGP sa gusali ng NPC, tumulong din naman sa kanya si Benny at ang NPC para sa kanyang mga krusada at kandidatura—kahit alam namin na wala naman siyang kapana-panalong kandidato sa Senado.

At ang pagtulong sa kanya ay dahil marunong tumanaw ng utang na loob si Benny dahil nga sa unang kilos protesta ng NPC hinggil sa Ampatuan Masaker noong Nobyembre 24, 2009 (isang araw matapos ang masaker), kasama pa naming nagmartsa si Casiño at NPC lifetime member at ex-NDFP chairman, Satur Ocampo, patungong Kampo Crame upang kondenahin ang krimen ng mga Ampatuan.

***

Mainam sana kung walang ‘skeleton in the closet’ itong si Casiño kung pagsusulong ng mga “karapatan” ang pag-uusapan; aber, kahit ang panalo nga niya noon bilang CEGP president, dekada ’90, ay hindi dahil talagang mayroon siyang ‘leadership qualities.’

 

Tanda natin na CEGP regional president noon si Casiño na nag-aaral sa UPLB. At “tiyak” na ang kanyang panalo sa ginanap na general assembly ng CEGP dahil ito na ang napagkaisahan ng mga “kolektibo” sa loob ng CEGP.

Mas ‘senior’ tayo kay Teddy at ang “kolektibo” ko pa nga noon, kahit nasa CEGP-MLQU na ako ay sa STR (Southern Tagalog Region). Kaya hindi ko nasundan ang itinakbo ng GA na ginanap pa sa Boracay, ayon pa sa mga ‘juniors’ namin sa kolehiyo, na kasamang “humilot” sa kanyang panalo.

At ano naman ang kanyang naging “sukli?” Eh, tingnan ang nangyaring pagkalusaw ng mga campus papers dahil sa ipinasa noon na ‘Campus Journalism Act of 1991’ kung saan siya ang kausap ng mga mambabatas bilang presidente ng CEGP.

Dangan kasi, “pinayagan” ni Casiño na alisin sa batas ang orihinal na mandato sa lahat ng kolehiyo at unibersidad na ang pagkolekta sa “butaw” o kontribusyon ng mga estudyante para sa kani-kanilang ‘campus papers.’ Ang resulta? “nalusaw” ang halos lahat ng campus papers sa ‘Pinas sa kawalan ng pondo, huhuhu!

Aber, naalala ko pa tuloy na para lang makapaglimbag ng kopya noon ang ‘The Quezonian’ ng MLQU, kailangan pang “mag-ambagan” ang mga ‘seniors’ nito na katulad namin!

Kung “nakaligtaan” lang ni Casiño ang kahalagahan ng pondo para sa mga publikasyon o kung sadyang may “kahinaan” din ang kanyang pag-iisip bilang lider, eh, ‘water under the bridge’ na ito, mga kabayan.

Pero ang kanyang ginawa ay isang malaking “kasalanan” na hindi basta nakakalimutan ng mga “tibak” na naghirap noon para itaguyod ang ‘malayang pamamahayag” sa campus. Kung hindi naman ito alam ng mga nasa CEGP ngayon, eh, ngayon siguro, alam na ninyo, hehehe!

***

Alam natin na kahit paano ay “nasaktan” si Benny sa mga batikos sa kanya nitong si Teddy; sino ba namang hindi masasaktan kung ang batikos ay galing sa itinuring mong “kasama” at kaibigan na “tinulungan” mo rin naman at ipinagtanggol kahit alam mong magkaiba kayo ng prinsipyo at paninindigan.

Kaya sakaling “magpang-abot” itong si Benny at Teddy saan mang lugar at “masikwat” ni Benny itong si Teddy, aba’y siguro, dapat lang naman, hehehe, ayy, huhuhu!

Oops! Hindi ito pananakot o pagbabanta. Kilala rin kasi natin itong si Bentot, ehek, Benny sa napakatagal na ring panahon.

Wala itong inatrasan na laban. Kung usapang disente o pang-Malakanyang, puwede siya, kung usapang kanto na tila gustong mangyari nitong si Teddy at kanyang mga kabaro, puwede rin naman dahil, “batang Tondo” itong si Bentot, ehek, Benny, hehehe.

Comments (0)
Add Comment