WALANG duda na sigarilyo ang isa sa mga paboritong ipinupuslit sa bansa.
Kagaya ng alak, ang sigarilyo ay isang “sin” product na sadyang tinaasan ng gobyerno ang buwis.
Hangad kasi ng gobyerno na i-discourage ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Ang kaso, marami pa rin ang naninigarilyo at naglalasing.
Noon ngang Mayo 21 ay nakasakote ang Port of Cagayan de Oro sa pamumuno ni Col. John Simon, ng mga puslit na sigarilyo.
Galing ng China, ang mga sigarilyo ay nagkakahalaga ng P30 milyon.
Ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng personal effects at naka-consigned sa isang Lorna Oftana ng Gen Santos City.
Sinabi ni Oliver Valiente, hepe ng CIIS-CDO Field Station, na nakatanggap sila ng derogatory information mula sa mga National Intelligence Agencies.
Hiniling nila kay District Collector John Simon na mag-isyu ng alert order laban sa shipment.
Pagkatapos ng isang partial examination ay nadiskubre ang mga sigarilyo at mga sapatos.
Kaugnay nito, nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Coll. Simon laban sa kargamento.
Ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng personal effects at naka-consigned sa isang Lorna Oftana ng Gen Santos City.
Noong isang taon ay nakakumpiska ang Port of CDO ng mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P100 milyon.
***
Noon naman nakaraang linggo ay naghain ang BoC ng dalawang magkahiwalay na kasong kriminal sa DoJ laban sa mga importer at broker.
Ang mga kinasuhan ay sangkot diumano sa unlawful na importasyon ng mga produktong nagkakahalaga ng P5 milyon.
Kinasuhan ng BoC ang Allejam International Trading at ang kanyang broker ng paggamit ng diumano’y ‘spurious import documents,’ misdeclaration at undervaluation.
Ayon sa rekord, ang kompanya ay nag-import ng mga unassembled bicycles at bicycle parts noong oktubre 29, 2020.
Nagkakahalaga ng P2.2 milyon, ang mga bisikleta ay dumating sa MICP.
Ang consignee at broker ay kinasuhan ng paglabag sa CMTA at Revised Penal Code.
Kinasuhan din ng BoC ang King’s Empire Asian Marketing Co. at ang kanyang broker.
Sila’y kinasuhan ng misdeclaration ng 986 cartöns ng mga paputok.
Ang mga paputok ay pinalabas na mga tarpaulin na nagkakahalaga ng P2.8 milyon.
Katulad ng unang insidente, kasong paglabag sa CMTA, RA 7183 at Revised Penal Code ang isinampa ng BOC Action Team Against Smugglers (BATAS).
Ang BATAS ay nasa ilalim ng tanggapan ni Atty. Vener Baquiran, deputy commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG). Mabuhay ang ‘Team Batas’ at kudos, Atty. Baquiran.
***
Sa Martes ay Hunyo 1 na.
Hudyat ito na malapit nang magsimula ang tag-ulan sa bansa.
Sana naman, huwag magkaroon ng malawakang pagbaha sa mga mabababang lugar, lalo na sa Metro Manila at karatig-pook.
Huwag nating kalimutan na ang MM ang sentro ng negosyo, edukasyon at gobyerno sa bansa.
Hindi lamang taga-Metro Manila ang apektado kapag lumubog sa tubig-baha ang rehiyon.
Apektado ang maraming Pinoy marami kasi sa ating kababayan ang nagtatrabaho, nag-aaral at nagte-training sa MM.
At karamihan ng mga national government agencies ay nasa metropolis.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)