Spy planes ng US, ginagamit ‘air code’ ng ‘Pinas

(Unang Bahagi)
LINGID sa kaalaman ng mga Pilipino, ang matagal na nating kaalyadong bansa – ang Estados Unidos– ay Inilalagay sa panganib angBating mga sasakyang panghimpapawid sa nasasakupan ng South China Sea at sa Yellow Sea.

Sa kalagitnaan ng Setyembre ng 2020, ang South China Sea Probing Initiative (SCSPI), isang grupo na may layunin na palaganapin ang kapayapaan at kooperasyon sa South China Sea (SCS) ay naglabas ng napapanahong ulat tungkol sa mga eroplano ng Estados Unidos na ginagamit sa pagmamatyag (intelligence gathering) pero nagtatago sa likod ng isang eroplanong sibilyan ng ibang bansa.

Sa naturang ulat ng SCSPI, ang eroplanong pang-espiya ng EU ay natukoy na ginamit ang ‘hex code’ ng mga eroplano ng Malaysia.

Bago magtapos ang Setyembre, ang mga pahayagan natin ay naglathala ng mga ulat base sa SCMP (South China Morning Post) na ang Foreign Ministry ng Tsina ay nagpahayag na ang eroplano ng EU na pandigma na nag-eespiya sa Tsina ay may 100 beses nang na-monitor ng China at ito ay isang maliwanag na seryosong banta sa pambansang seguridad ng Tsina.

Sa isa pang report ng SCMP, inihayag naman ngayon na ang EU ay gumamit  ng identification code ng Pilipinas imbes na sa Malaysia.

Ang nasabing eroplano ay nakilala bilang isang Philippine aircraft habang lumilipad sa nasasakupan ng Yellow Sea sa pagitan ng Tsina at Korea.

Pagkatapos ng pahayag ng ulat na ito, ang ating Kalihim ng Tanggulang Pambansa (DND) at Tagapayo ng Pambansang Seguridad (NSC) ay humingi ng paglilinaw mula sa Estados Unidos.

Ang nakapagtataka, wala pa tayong nalaman na naging tugon dito ng Estados Unidos hanggang ngayon.

***

Matagal nang sinusubaybayan ng Tsina ang mga paglabag na ito ng mga Kano sa panuntunan sa paggamit ng mga panuntunan sa pagbiyahe sa himpapawid.

Pagkatapos malakap ang may 100 beses na paglabag na ito ng EU, ay ipinahayag na ng Tsina sa buong mundo, kalakip ang mga ebidensya, kaya hindi na nagawang tumanggi pa ng US.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Foreign Ministry ng Tsina, ang ginagawa ng Amerika ay isang panloloko at tahasang kawalanghiyaan.

Kawalanghiyaan ngang matatawag lalo na at ang kalokohang ito ay ginawa ng Amerika sa isang napakatagal ng kakampi nito sa buong Asya – ang Pilipinas.

Dapat sana ay nagtatamasa ng espesyal na konsiderasyon mula sa mga Kano ang mga Pilipino at sinisiguro ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa dahil dito nakatayo ang kanilang pagkakaibigan.

Iyan ang akala ng mga Pilipino ngunit sa mga Kano ang totoo ay puro panig sa kanila ang relasyong ito at palaging dehado ang Pinas.

Ang walang patumanggang paggamit ng mga Kano sa identification code ng ibang bansa partikular na sa Pilipinas ay naglalagay sa malaking kapahamakan sa buhay ng bawat Pilipino na sumasakay sa eroplano.

May ilang trahedya na sa biyaheng pamhimpapawid ang naganap sa kasaysayan na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa may 800 inosenteng sibilyan sa kadahilanang nagamit ng mga Amerikano ang identification code ng ibang bansa na ibinibigay ng ICAO (International Civil Aviation Organization).

Ang mga trahedyang ito ay ang Korean Airlines o KAL 007 na pinabagsak ng Soviet Russia dahil pinagkamalang eroplanong pandigmang Estados Unidos sa kasagsagan ng Cold War at pumatay sa lahat ng 269 na pasahero.

Ang Malaysian Airline Flight MH17 na pinabagsak sa bahagi ng Ukraine at pumatay sa 283 na pinaniwalaan ni PM Mahathir na may kinalaman sa sigalot sa pagitan ng US at Ukraine.

Comments (0)
Add Comment