Tema ng WCO, sinusunod ng BOC

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa. Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina:

Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kakampi ng mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman ng Oman.

God Bless sa inyong lahat!

***

Mananatiling “resilient, inclusive and forward-looking” ang Bureau of Customs (BOC), isang dating ‘graft-prone government agency.’

Ito ang mariing ipinahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio noong Lunes, Enero 27, “International Customs Day.”

Ang tema ng okasyon na inilatag ng World Customs Organization (WCO), ay ‘Customs delivering on its commitment to efficiency, security and prosperity.’

Noong nakaraang taon ay higit na pinalakas ng BOC ang papel nito bilang bilang ‘trade regulator,’  na nagsusulong ng ‘efficient customs administration.’

Ayon kay Comm. Rubio, ang tema ay sumusunod sa kagustuhan ni PBBM na magpatupad ng mga ‘transformative measures’ sa ahensiya upang umangat pa ang pamantayan ng serbisyo publiko sa ating bansa.

At bilang kasapi ng WCO, patuloy na lumalahok ang BOC sa mga pagpupulong at mga ‘capacity building initiatives’ ng WCO. Tuloy din ang bukod na ‘modernization program’ ng BOC kung saan higit na sa 95 porsiyento ng mga proseso nito ay ‘digitized’ at ‘computerized.’

“As we celebrate this special occasion, let us avow again our devotion to modernization and innovation,” ayon pa kay Comm. Rubio.

****

Ayon sa ulat,  mahigit 500-katao na ang nahuhuli ng mga otoridad na lumalabag sa tinatawag na ‘election gun ban.’

Dahil panahon na ng eleksyon, hindi na puwedeng magdala ng baril ‘outside of residence’ kung walang ‘exemption permit.’

Ang permit ay ini-isyu ng Commission on Elections (COMELEC).

Tuwing malapit na ang eleksyon ay ipinapatupad ng Comelec ang gun ban upang makatulong na maging mapayapa ang ating halalan.

May mga politiko kasing may mga private armed groups (PAG) para magamit panakot sa mga kalaban sa politika.

Ito ang gustong iwasan ng COMELEC at Philippine National Police (PNP) para sa isang mapayapang halalan.

Kaya nga tuwing panahon ng halalan, mayroon tayong ‘PNP-Comelec checkpoints’ sa buong bansa, lalo na sa mga tinatawag na “hot spots.”

Kahit mga pulis at sundalo ay hindi puwedeng magdala ng baril sa labas ng bahay kung wala silang exemption permit. Tama naman ito, hindi ba Pangulong Bongbong Marcos?

Pero, hindi siyempre kasama sa gun ban ang mga kriminal at mga abusado sa kapangyarihan. Palagi silang ‘exempted.’

****

Maraming nagkakasakit ngayon ng ubo, sipon at trangkaso.

Maginaw kasi kapag gabi pero  mainit pa rin pagdating ng hapon.

Ang kailangan talaga ay kaunting pag-iingat dahil magastos ang magkasakit.

Kagaya ng bigas, gulay at ibang pagkain, mahal ang mga gamot ngayon.

Lalo na kung ikaw ay ma-ospital. Mababaon ka sa utang kahit na sa ospital ng gobyerno ka pa mapunta dahil hindi lahat ng gamot ay maibibigay ng mga public hospitals.

Mapipilitan kang bumili sa labas kung hindi ‘available’ ang kailangan mong gamot sa loob ng ospital— na palagi namang wala.

Nakakaawa talaga ang mga mahihirap kapag na-ospital.

Ano kaya masasabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa?

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)