Wagi ang BoC sa koleksyon at laban kontra ismagling

DAHIL sa Covid-19 pandemic, napabilis ng Bureau of Customs ang automation ng front-line transactions.

Hindi lang yan.

Fully accomplished din ng ahensya ang “Risk Management modernization goal” noong nakaraang taon.

 “The BoC was able to reach its 100 percent accomplishment rate on fully automating its front-line services,” ayon kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Ngayon ay puwede ng online ang paghahain ng  mga dokumento sa pamamagitan ng BoC Customer Care Portal System.

Inapgrade din ng BoC ang electronic-to-mobile system (E2M)para ma-automate ang manual processes.

Sa risk management, nagawa ito ng BoC dahil sa paggamit ng electronic cargo targeting system at “rolling out” ng bago at “user-friendly universal risk management system.”

Ayon kay Guerrero lalo pang pagagandahin ng BoC ang customs administration sa bansa.

Sa taong ito, layon pa ng BoC na pababain ang transaction cost.

Sa tingin natin, kayang-kayang gawin ng mga taga-BoC ang mga planong ito.

Ang kailangan lang ay suporta ng publiko.

Kailangan ay constructive at hindi destructive criticism.

Magandang accomplishment ito dahil palapit na ang pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rody Duterte.

Walang mangyayari sa atin kung lagi tayong nagbabangayan.

Tama ba, Senador Bong Go at Senador Manny Pacquiao?

***

Kamalasan ang inabot ng mga ismagler sa bansa noong 2020.

Dahil sa husay, dedikasyon at sipag ng mga ahente ng Bureau of Customs, nakasakote sila ng mga puslit na kargamento na nagkakahalaga ng P10.629 bilyon.

Tiyak na “umaray” ang mga ismagler dahil hindi “peanuts” ang bilyones na nawala sa kanila.

Ang mga kontrabando ay kinabibilangan ng mga sigarilyo, iba pang tobacco products, illegal drugs, medical supplies, motor vehicles at pagkain.

Kalahati ng P10.629 bilyon ay mga sigarilyo at iba pang tobacco products.

Sumunod dito ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P1.855 bilyon.

Ang mga droga ay nasakote ng BoC at Philippine Drug Enforcement Agency.

Alam naman natin na ang paglaban sa ismagling ay isa sa priorities ng administrasyong Duterte.

Siguradong natutuwa si PRRD sa magandang performance ng mga taga-BoC.

***

Dalawa na namang container vans na naglalaman ng mga puslit na sigarilyo ang nasakote  ng  BoC sa MICP.

Galing China, ang mga sigarilyo ay nagkakahalaga ng mahigit P60 milyon.

Ayon sa BoC, ang kargamento ay dadalhin sana sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Cavite.

Naka-consigned sa isang YJC International Corp., ang shipment ay idineklarang naglalaman ng plastic frames, round tubes, plastic bags at plastic sheets.

Naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa shipment.

Ang mga sigarilyo ay may tatak na ‘Mighty.’

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang hiong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment