Banner Before Header

67 porsiyento ng Manilenyo, pabor sa pagbabalik ni Isko!

12
WALA na, talagang si Yorme Isko Moreno na talaga ang mananalo sa karera sa Manila City Hall! Sa resulta kasi ng pre-election survey ng OCTA Research na inilabas noong Biyernes, Marso 28, simula ng kampanya para sa mga ‘local positions,’ kumubra si Yorme ng 67 porsiyento sa ‘voter preference!’

Malayong kasunod naman sa resulta si Sam Verzosa sa 16 porsiyento, habang “kawawa” sa ikatlong puwesto si incumbent Mayora Honey Lacuna, sa 15 porsiyento.

Batay pa rin sa survey na isinagawa sa pagitan ng Marso 2 hanggang Marso 6, “pinakyaw” ni Isko at ng kanyang ‘Yorme’s Choice’ ang anim na distrito ng Maynila!

Bunga nito, mataas ang kumpiyansa ng mga Manilenyo na muling “babangon” ang Maynila, katulad sa kanyang unang termino (2019-2022) kung saan agad niyang sinimulan ang paglilinis ng lungsod.

Kasama si Vice Mayor Chi Atienza, uumpisahan nilang ibalik ang disiplina at matinong pamamahala, at ang pagbabalik ang serbisyong matino, at ang bukas sa publikong pamamahala.

Muling babalik ang kapanatagan sa Manilenyo, mula umaga, tanghali, maging sa kalaliman ng gabi at sa pagbubukang liwayway.

Habang natutulog ang mamamayan, madarama ang kumikilos na gobyerno na handa sa ano mang pangyayari, at agad na tutugon sa ano mang emergency.

Nagawa ito ni Yorme noon, at kayang-kaya, magagawa ulit niya sa kanyang pagbabalik bilang mayor ng Maynila.

***

Balikan natin ang mga ginawa ni Yorme Isko noon:

Moderno, kumpletong ginhawa ang pabahay na itinayo sa Tondo at iba pang lugar iskwater. Ibinalik ni Yorme ang dignidad ng pagkatao ng mga pamilyang mahihirap.

Pinakikinabangan ang lahat ng proyekto na ipinatayo ni Isko: “Dati squatter ka katulad ko, ngayon pipindot ka na lang ng elevator— ‘15th floor, please.”

Wow, ha! Parang nasa condo, ang sarap naman!

Maraming naging engineer, lawyer, teacher, CPA, nurse at iba pang de kalidad na propesyon ang natamo ng Batang Maynila sa free education program ni Yorme.

At ang mga seniors, PWDs, solo parents na napabayaan, ang pangako ng Yorme’s Choice ay ang pagbibigay — marahil ay doble o triple pang benepisyo.

Si Vice Mayor Atienza ay agad na tututukan ang mga ordinansa at resolusyong magpapagaan, magpapaginhawa, sa kalagayang dugyot ng mamamayan ng siyudad.

“Ito naman talaga ang tungkulin namin na kayo, kayong Manilenyo ay aming pagsilbihan.

Mapapanatag na kayo, pag kami ay nasa Cityhall na,” sabi ni VM Chi sa maraming panayam.

***

Malakas noon pa man ang suporta sa Yorme’s Choice. Sa paghahatag pa lang nila ng ‘certificate of candidacy.’ At papalapit ang halalan, sumanib na ang samahang nakaugat sa pusod ng siyudad at hindi na mababaklas pa ang Kababaihan ng Maynila, KABAKA, at Kaagapay ng Manilenyo.

Kasi nga, nakikita na nila ang “panalo” at ang “premyo?” Mas pinabuting serbisyo sa mga Manilenyo.

Ayon pa kay FEJODAP president Rodelio Sotto:

“Nakita naman po natin na ‘nawala’ na po ang gobyerno sa Maynila. Sala-salabat ang traffic, ang Divisoria naging dugyot, ang buong Maynila ay naging dugyot po talaga.”

G. Sotto, magbabago na po ang lahat, basta, ating ipanalo sa Mayo 12, ang Serbisyong Isko-Chi at sigurado, yung alalahanin mo, mapapawi.

Gaganda muli, babangong muli, titino muli ang gobyerno ng Maynila sa tagumpay ng Yorme’s Choice!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.