Banner Before Header

Tara na, dito tayo sa tambalang Isko at Chi!

2,224
KITANG-kita kung paano puntahan ng mga tao ang caucus at mga townhall meeting ng tiket nina Yorme Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza, at tandaan: walang “hakot” dito.

Nakasentro kasi ang mga programang kanilang inihahain o inihanda para lutasin ang kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, problema sa pabahay at iba pa.

May ‘people’s covenant’ ang tambalan nina Isko at Chi, na tatahakin ng kanilang gobyerno sa oras na sila ay maluklok sa Manila City Hall.

‘Yang mga korap, lagot kay Isko; ‘yang mga tongpats, patong-patong na kaso ang ireregalo kapag hindi nagpakatino ang mga kawaning pasaway sa Maynila.

Lahat ng iligal, pandaraya at panlilinlang ay wawakasan ni Yorme Isko at papalitan niya ng kabuhayan, kaunlaran at ang pagbabalik ng dating dangal at ningning ng Maynila na hinangaan ng mundo noong si Yorme ang nakaupong alkalde 3 taon pa lang ang nakalipas.

***

Nakakaamoy ng mabantot na pagkatalo, maraming lider at supporter ni Mayora Honey Lacuna ang kumakalas nang palihim at nagpapahatid ng pasabing nais nila na “mag-ober da bakod” sa kampo ni Yorme Isko. Ganun?

“Hindi na namin masikmura ang ipinagagawa sa amin… hindi na tama … mas takot kami sa Diyos at sa karma,” sabi ng isang lider ni Lacuna sa Sampaloc.

Anang isang lider ni Lacuna sa Tondo, sa halip na ‘issue-oriented,’ pulos black propaganda laban kay Isko ang dala nilang mensahe sa ipinatatawag na pulong ni Lacuna.

“Hindi iyon ang isyu sa Maynila kungdi kung paano namin mapahuhusay ang pamamahala sa cityhall; ang nangyayari, personal attacks ang ginawa namin, … nakunsiyensya na ako… ayoko na!” aniya.

Komento pa ng mga dumalo, napatunayan na pawang “imbento” lamang ang atake personal kay Yorme Kois.

“Isyu sana, programa at proyekto ang dapat na sabihin namin, pero hindi … nakakapagod ang walang tigil na paninira,” sabi naman ng isang ginang na pinuna ang mga personal na atake ng ilang kapitan ng barangay kay Isko sa Sta. Cruz.

***

Nakapokus ang tambalang Isko-Chi Atienza sa kung paano nila mababago ang Maynila – mula sa kaawa-awang itsura nito ngayon na napag-iwanan na naman ng mga katabing siyudad.

Naging madumi at mabaho uli ang Maynila, nawala na ang tiwala ng mga negosyante sa business climate kaya naglipatan uli sa Quezon City, Makati, Valenzuela, Pasig at iba pang kadikit na siyudad sa Metro Manila.

Ibabalik din ng tambalang Isko-Chi ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya ng Maynila na nitong mga nakaraang mga taon ay laging nasasangkot sa krimeng pangingikil etc. at pag-abuso sa kapangyarihan.

Ikinalulungkot ni Yorme Isko na hanggang ngayon ay walang malinaw na plano ang tropang Lacuna para mapaunlad ang Maynila.

“Kami ay mayroon nang nakakasang plano at disenyo para muling maibalik ang ganda, ningning at dangal ng Maynila,” ani Isko.

Pakiusap ni Isko: “Samahan po ninyo ako at para magkita-tayo muli sa cityhall at nang mabago natin ang takbo at mukha ng Maynila.”

“Pagbabago ang dala-dala namin ni Chi Atienza, at kasama namin kayo sa pagpapaunlad ng Maynila… dahil hindi nyo ako iniwanan sa lahat ng aking mga laban, ipaglalaban ko naman kayo, kasama si Chi upang mawala na ang madilim na kinabuksan ng Maynila.”

Teka: Kay Isko ka ba? Bakeeet? Kasi panalo ka na!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.