MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Saudi Arabia at Oman. Binabati rin natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kasangga ng mga Pinoy sa Japan, si Hiroshi Katsumata.
Pagbati rin kay Joanne de Guzman at iba pang OFWs natin sa Oman at kay Jess Manuel ng Saudi Arabia. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
Talaga namang maganda ang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Hindi lang pala mga kababayan natin ang nakakapansin sa mga reporma sa Aduana na nagpabago sa imahe ng ahensya.
Dati, ang BOC na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay kilala bilang isa sa mga ‘graft-ridden government agencies.’
Subalit, simula nang maupo si Commissioner Rubio sa BOC ay unti-unting nawala ang mga hindi kanais-nais na bagay sa ating “pantalan.”
Bumalik ang tiwala ng mga stakeholders sa mga “men and women in customs uniform.”
Sa tingin ng iba ay naging “patas” na ang pangnenegosyo sa Waterfront.
Pati small-time customs brokers ay puwede nang makapag-hanapbuhay na hindi inaapakan ng mga bigtime brokers.
Hindi ito lingid sa kaalaman nang ‘highly-influential’ na ‘Asia’s Golden Icon Leader Award.’
Noon ngang Pebrero 28 ay pinarangalan ng grupo si Commissioner Rubio bilang isa sa ‘2025 Golden Icon Leader Awardees.’
Kinilala siya dahil sa kanyang “exemplary leadership in customs administration.”
Ang parangal ibinibigay sa mga lider na kilala dahil sa kanilang ‘excellence, vision, and impact’ bunga nang kanilang pamumuno.
Ayon pa sa award-giving body, ang mga katulad ni Comm. Rubio ay may kakayahan “to inspire change and shape the future.”
Sa awarding rites na ginanap sa Maynila ay dumalo din sina Depcom Clarence Dizon at Collector Marlon Agaceta.
Sa kanyang acceptance speech ay inialay ni Commissioner Rubio ang kanyang award sa “hard-working men and women in customs uniform.”
“I am very much honored to receive this award not just for me, but for the men and women of the Bureau of Customs,” aniya pa.
Sinabi niyang “it is a testament to the hard work and contributions of the BOC to the country.”
Sa liderato ni Comm. Rubio ay tuloy-tuloy ang digitalization, fight against graft and corruption, at paglaban ng Aduana sa salot ng smuggling.
Noon ding 2024, nakamit ng BOC ang pinaka-mataas na revenue collection sa isang taon.
Hindi “tsamba” ito, sa ganang atin. Pinaghirapan ito ng mga opisyal at tauhan ng BOC sa pangunguna ni Commissioner Rubio.
***
Tapos na ang tinatawag na “Buwan ng mga Puso.”
Nagsimula na ang summer months ngayong taon. Iinit na ang panahon at nandiyan na naman ang mga ibat-ibang sakit. Ubo, sipon, at trangkaso.
Sana naman meron tayong mga sapat na gamot sa mga health centers sa bayan at barangay.
Dahil sa tumataas na presyo ng lahat ng bilihin ay mahihirapan ang publiko kung may magkasakit sa pamilya.
Pero sa tingin natin ay handang-handa ang gobyerno para tugunan ang mga pangangailang medikal ng taumbayan.
Hindi ba, Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Health Secretary Teddy Herbosa?
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa +63 9178624484).
Comments are closed.