Banner Before Header

Hello, Cong. Brian Yamsuan; Goodbye Gus Tambunting!

0
SI Bicol Saro partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na nga ba ang tatapos sa political career ni Congressman Gus Tambunting – na maraming taon nang “saklot sa kamay” ang 2nd District ng Paranaque City?

Usap-usapan na po kasi dear readers sa Parañaque ang nalalapit na “pagbagsak sa kapangyarihan” ng mga Tambunting sa lungsod.

Biruin ninyo, ginagawa na lang na ‘family business’ ng mag-asawang Gus at Joy Tambunting ang distrito ng siyudad at ano ang naging pakinabang ng mga residente sa kanilang kuno ay serbisyo publiko?

Mahigit nang 30-taon sa kapangyarihan si Gus. Una siyang naging konsehal ng lungsod mula 1988-1995 at 2001-2007. Pagkatapos ay umakyat siyang vice mayor mula 2007-2013. Naging 2nd district congressman mula 2016-2019. Bumaba ito sa puwesto para ang asawa namang si Joy ang kumatawan sa distrito mula 2019-2022. At muling nagbalik si Gus nitong 2022.

Tama bang magpalitan na lang ang mag-asawang ito sa puwesto sa Kamara na para bang sariling bahay nila ang Kongreso?

Ang maliwanag, pamilya nila ang umasenso, ang umunlad, pero ang pinangakuang constituents, gumaang ba ang pamumuhay, umasenso ba tulad ng madalas na ipinapangako nila, kada eleksyon?

Ngayong 2025 midterm eletions ay alam na ng mga taga-2nd district ang sagot– palitan na, iba naman ang dapat na maging kinatawan nila sa Kamara.

At sa Mayo 12, may pagkakataon na mangyari ito sa katauhan ni partylist Rep. Brian Yamsuan.

Ang alok ni Partner Cong. Brian ay Bagong Pag-asa (Hope) na nakita niyang kulang o konti lamang ang natitikmang gaang sa pamumuhay ng kadistrito. Si Cong. Brian ay hindi rin naman bagito sa paglilingkod sa gobyero.

Ang H.O.P.E. ang kumakatawan sa matagal nang hinihintay ng mga taga-2nd District at ito ay — Health, Opportunities, Peace and Education (HOPE).

***

Nasa kolehiyo pa lamang si Cong. Brian ay nagsimula nang magtrabaho sa ilalim ni ex-Senate President Edgardo “Edong” Angara. Nagtrabaho rin siya bilang chief of staff ng yumaong dating Senadora, Tessie Aquino-Oreta.

Naging pinuno siya ng media relations department ng Malacañang at chief of staff ni ex-Press Secretary Ricardo “Dong” Puno. Na-appoint siya bilang Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at noong 2019 ay naglingkod kay Speaker Alan Peter Cayetano bilang Deputy Secretary General ng House of Representatives.

Bakit ba kailangan pang kumandidatong regular na kongresista si Bicol Saro Partylist Congressman Yamsuan at ialok ang sarili sa mga residente ng Parañaque?

Marami kasing kulang na serbisyo sa lungsod at kailangan na talagang tugunan ang mga naisin ng mga kababayan sa lungsod.

Sa mga taga-2nd District ng Paranaque, kailangan na nga ng bago, may malasakit at mapagkalingang kinatawan kayo.

At umasa kayo, tutuparin ni Cong. Brian ang pangako niya — na siya ang bahala sa inyo, at kayo ang bahala sa kanya na iluklok sa Kongreso bilang kinatawan ninyo.

Hello, Congressman Yamsuan; Goodbye Gus Tambunting!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.