Banner Before Header

Iligal na droga, huli sa CMEC

121
MATITIGAS talaga ang ulo ng ilan nating mga kababayan. Alam na nilang masama sa kalusugan ng tao ang mga iligal na droga ay tuloy-tuloy pa rin sa mga masasama nilang bisyo.

Ang lalakas pa ng loob na bibilhin pa sa labas ng bansa ang mga droga na kagaya ng shabu at kush, o high-grade marijuana.

Biruin ninyo, idadaan pa sa koreo ang mga ipinagbabawal na gamot.

Akala naman nila makakalusot sila sa mga otoridad.

Timbog ang aabutin ng mga importasyon ng iligal na droga.

Ganyan nga ang nangyari sa tatlong parcels na naglalaman ng 96 vape cartridges na may kasamang 468 grams ng kush, at 967 grams ng shabu.

Ang tatlong parcels, na naglalaman ng mga drogang nagkakahalaga ng P3.854 milyon ay papuntang sa tatlong lugar sa bansa.

Ito ang Cebu City, Bacolod City at Naga City. Galing ang mga air parcel sa Estados Unidos at Pakistan.

Ang mga pakete ay na-intercept sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, na nasa hurisdiksyon ng Port of NAIA.

Ang Port of NAIA, na pinamumunuan ni Collector Yasmin O. Mapa, PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang nagsanib-puwersa sa operasyon.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na “our commitment in preventing the entry of illegal drugs remains unwavering.”

Congrats sa mga taga-Port of NAIA!

***

Nakasakote na naman ang masisipag na tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cagayan de Oro ng mga kontrabandong sigarilyo.

Nagkakahalaga ng P3.854 million, ang mga undocumented cigarettes ay nakumpiska sa Kapatagan at Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Ayon sa ulat, ang 4,300 reams ng sigarilyo ay natimbog noong Hulyo 25 dahil sa paglabag sa CMTA at National Tobacco Administration rules and regulations.

Ang mga sigarilyo, kasama ang sasakyang ginamit ng mga suspek, ay nasa kustodya na ng BOC Sub-Port of Iligan.

Kaagad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si District Collector Alexandra Y. Lomuntad laban sa undocumented cigarettes.

Pinuri naman Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang mga opisyal at tauhan ng Port of CDO dahil sa pagkakasakote sa kontrabando.

Ito ay nagpapatunay lamang na handang-handa ang mga taga-CDO na gampanan ang kani-kanilang mga trabaho.

Keep up the good work, mga bossing diyan sa Port of Cagayan de Oro.

***

Nasungkit ng Pilipinas ang una nitong medalya sa ginaganap na Olympics sa Paris, France.

At ginto pa. Inaasahang madadagan pa ang masusungkit na nating medalya dahil may may mga kababayan pa tayong lumalaban.

Kung papalarin tayo ay baka makukuha pa tayo ng isa o dalawa pang gintong medalya.

Ang gold medalist ay si gymnast Carlos Yulo. Noong nakaraang Tokyo Olympics ay nakuha ni weightlifter Hidilyn Diaz ang una nating ginto sa Olympiada.

Sa tingin natin ay gaganda pa ang performance ng ating mga atleta.

Ito ay dahil sa all-out support na ibinibigay ng aministrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa ating sports program.

Ang kailangan lang ay mawala ang politika sa larangang ito.

Dapat lang, di ba Pangulong Marcos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments are closed.