Banner Before Header

Malinis, maunlad na Maynila, tiyak sa pagbabalik ni ‘Yorme’

8
SA Mayo 12, 2025 midterm elections ay tiyak na may mawawalis at mag-aalsa balutan sa mga  “nagpa-dugyot” sa Maynila.

Opo, dear readers, parating na, malapit na ang pagbabalik ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sabik na ang mga Batang Maynila na maupo uli si Yorme sa cityhall.

Maibabalik na muli ang matinong pamamahala sa lungsod na pinabayaan ng kasalukuyang

dugyot na administrasyon sa Manila City Hall.

Ang katotohanan, mga masugid nating tagasubaybay, ultimo ang social media ay namumulaklak sa panawagang, ‘Bumalik ka na Yorme Isko!’

Nasasabik na ang madla na bumangon muli ang Maynila at malinis ang nagkalat na dumi at umaalingasaw na baho ng amoy mula sa mga  sangkaterbang tambak na basura na nagkalat sa buong Maynila, na tila hindi nakikita at naaamoy ng mga konsehal ng siyudad, Aling Mayora Lacuna at VM Yul Servo?

Ang “gusto” ng Manilenyo, mag-empake na sina Mayor Honey Lacuna at si Vice Mayor Yul Servo — na papalitan na ni Chi Atienza sa City Council.

At yung mga kongresista ng siyudad na walang ginawa kungdi ang magpabida at pâputukin ang bulsa sa pera ng bayan, ramdam na ba nyo ang papalapit na evacuation nyo sa Kongreso?

***

Alam nyo ba, ang mga parke, pasyalan na pinaganda noon ay napabayaan na?

Yung Liwasang Bonifacio na nilinis at inayos noon ni Yorme ay amoy ebak na naman at ang panghi sa paligid nito.

Yung dating basurahan sa Baseco, ngayon ay Baseco Baywalk; malinis pa ba ang mga sidewalks sa mga illegal vendors?

Talagang panahon nang muling ibalik ang pamamahalang puno ng tiwala at pag-asa, at ng pagbangon ng ekonomya ng Maynila.

Hindi ito nasasaksihan, hindi ito natitikman ngayon sa nakaraang mga taon na wala si Yorme Isko sa Maynila.

Kaya ang panawagan, ang patuloy na lakas ng sigaw at mga daing na muli, maibalik ang matinong pamamahala sa Maynila na puno ng pagmamahal at kalinga.

Para sa Manilenyo, magaganap uli ang tinatawag na “Golden Years” ng Maynila sa pagbabalik ni Isko sa CityHall.

Malapit na, babalik na si Yorme!

***

Nakatutok ang tambalang Yorme Isko at Chi Atienza sa kung paano nila mababago ang Maynila — mula sa kaawa-awang itsura nito ngayon na napag-iwanan na naman ng mga katabing siyudad.

Naging madumi, amoy ebak at mabaho uli kasi ang Maynila kumpara noong 2019-2022 na si Yorme pa ang nakaupong alkalde na, hinangaan ng buong mundo sa taglay nitong ningning at ganda.

Sa tambalang Isko-Chi ay plano nilang ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya ng Maynila na nitong mga nakaraang taon ay laging nasasangkot sa krimeng pangingikil etc. at pag-abuso sa kapangyarihan.

Kay Isko at Chi ay may nakakasa na silang plano at disenyo para muling maibalik ang ganda, ningning at dangal ng Maynila.

O, mga Batang Maynila, tara na, dito na tayo sa tambalang Isko-Chi para sa dala-dala nilang pagbabago at pagpapaunlad ng Maynila.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.