Banner Before Header

Mga ‘NPO,’ magkusa na kayong umalis sa puwesto

3,937
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mga mambabasa, lalo na diyan sa Japan. Binabati natin sina Teresa Yasuki, Vina Gabriel, Ana Ikeda (kapatid ni Mama Aki ng Ihawan) Chef Alvin dela Cruz, Tata Yap Yamazaki, Erica Ompad, Stephen Palulay, La Dy Pinky at Hiroshi Katsumata. Pagbati rin kay Joann de Guzman ng Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan Mabuhay kayong lahat!

***

Kamakailan ay nakasabat na naman ang Bureau of Customs (BOC) ng isang parcel na galing sa California, United States, na naglalaman ng shabu.

Ang parcel, na may lamang P1.5 milyon halaga ng shabu ay nasabat sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City, ayon sa BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang consignee ay isang residente ng Taguig City.

“It was flagged during a routine inspection and was found to contain 230 grams of illegal drugs,” ayon sa BOC-NAIA.

Ang shabu ay agarang ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for further investigation and filing of charges.”

Ang ismagling ng mga ipinagbabawal na gamot at iba pang kontrabando sa bansa ay paglabag sa Republic Act N0. 9165.

Muli, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na pipigilan ng BOC ang ano mang klase ng ismagling.

Ito rin ang sinabi ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa. Ayon sa kanya, tuloy ang anti-smuggling drive ng BOC-NAIA.

Tama ‘yan Collector Yasmin.

***

Noong Nobyembre 19 ay pinarangalan ng Gawad Pilipino Awards si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio at Bureau of Customs (BOC).

Tinanggap ni Rubio ang ‘Outstanding Public Servant Award’ bilang pagkilala sa kanyang “exemplary leadership.”

Kinilala rin siya dahil sa kanyang ‘transformative initiatives and significant contributions in enhancing transparency and efficiency in customs operations.’

Ang BOC, bilang isang institusyon, ay ginawaran naman ng “Tapat sa Paglilingkod Award.”

Mabuti naman at kinikilala ng iba’t ibang respetadong grupo ang mga kontribusyon ng BOC sa pag-unlad ng bansa kahit sa panahon ng kahirapan.

Ang BOC at BIR ay nasa ilalim ng Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Secretary Ralph Recto ng Batangas.

Mahalaga ang dalawang ahensyang ito para maipatupad ng gobyerno ang mga programa at proyekto.

Sa tingin din natin ay matatamo ng BOC ang target nitong koleksyon na P959 bilyon ngayong 2024. Tama ba, Commissioner Rubio?

***

Sa Linggo ay unang araw na ng Disyembre, ang huling “BER MONTH” ng taon.

Ang ibig sabihin nito ay kailangang magpakitang gilas na ang mga nanunungkulan sa gobyerno.

Lalo na ang mga appointed government officials, kasama na ang mga miyembro ng Gabinete ni Pang. Marcos.

Inaasahang ire-review ni Pangulong Marcos ang performance ng kanyang mga opisyal pagpasok ng susunod na taon, 2025.

Para naman sa mga ‘NPO’ (non-performing officials), dapat na silang magkusa na umalis sa puwesto bago pa man sila sipain ni PBBM. Para hindi kayo mapahiya.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 91786254484. Ilagay ang buong pangalan at tirahan).

Comments are closed.