Banner Before Header

Suportahan ang lokal na turismo sa bansa

3,808
HAPPY New Year Sa Lahat! May you all have a peaceful, prosperous, and happy 2025 ahead!

***

Uulit-ulitin ng inyong abang lingkod, kailangan na pong itaguyod o i-promote ang lokal turismo sa ating bansa.

Imbes na magpunta sa Singapore, China, Hong Kong, Japan, Taiwan at iba pang bansa ay atin pong pakilusin Mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang ating local tourism officials, na mas itaguyod ang lokal turismo sa bansa.

At ipinawagan po natin, Mahal na Pangulong Marcos, sa mga airline, shipping, at transportation industry, gawin nilang mas mura ang pamasahe at ang mga hotel at mga lugar-pasyalan, ibaba ang gastos para mahikayat ang mga Pilipino na mas bisitahin at pag-ukulan ng pansin at mas mahalin ang ating bansa.

Kungdi po natin pakikilusin, PBBM, ang ating local tourism officials na itaguyod ang lokal turismo ay patuloy na magta-travel abroad ang ilan po nating kababayan dahil nga may offer na mas cheaper ang maglakbay sa ibang bansa.

Atin pong suportahan ang local tourism.

***

Kailan matutuldukan ang katiwalian sa gobyerno at kahit sa mga trabaho at transaksiyon sa pribado?

Kaya ba nating magkaroon ng malinis na pamamahala Pilipinas kong mahal?

Tayo ang makasasagot sa tanong na kaya ba nating matuldukan ang mga katiwalian.

Nasa taong bayan ang sagot nito.

***

Karamihan sa mga mambabatas ay panay ang patuligsa at pagbatikos sa mga kabulukan sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Breau of Immigration at Bureau of Internal Revenue at marami pang iba pero sinasabihan ba nila ang mga kaibigan nila sa mga ahensyang ito na magbayad ng tamang buwis.

At may ilang tao sa gobyerno na ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig ay nagpapahamak at naglalagay sa paghihirap at panganib sa bayan, di po ba?

***

Talaga bang nasa kultura natin ang pagbibigay ng regalo o ng salapi o ang panunuhol at pangingikil at mahina ang moral ng mga tagapagpatupad ng batas at may diperensya ang mga batas at institusyon at ahensiya sa pagpapatupad ng batas laban sa nakasanayang korapsyon?

Kulang nga ba sa pangil at kapangyarihan ang mga ahensiya natin na inatasan na labanan ang graft and corruption?

Marupok ba ang moral ng mga opisyal ng mga ahensiya laban sa alok na suhol, banta ng mga nasasakdal o kulang sila sa katapatan at integridad at propesyonalismo kaya talamak pa rin ang korapsiyon sa ating bansa?

O talagang kulang o mahina ang parusa sa mga korap at mabagal ang pagbibigay-hustisya sa mga kasong katiwalian?

***

Dapat ba nating iasa lagi sa gobyerno at sa mga ahensiya ang paglaban sa korapsiyon?

May tungkulin ba ang mamamayan na  makiisa laban sa korapsiyon?

Kailangan na bang baguhin ang sistema ng pagpataw ng parusa sa mapatutunayang nagkasala ng korapsiyon?

Ito po ang ilan sa mga katanungan dear readers na dapat solusyonan ng ating pamahalaan upang ganap na matuldukan ang katiwalian sa bayan ni Mang Juan.

At kailangang bumalangkas ang pamahalaan ng matibay na batas para palakasin ang pagbibigay ng tulong at proteksyon sa mga naglalantad ng korupsiyon na bukod sa mabigyan sila ng bahagi ng salaping kinukurakot ng mga opisyal bilang pabuya, mabigyan sila ng bagong identity, at bagong buhay.

(Para sa inyong mga suhestiyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.