HINDI na talaga maawat ang magandang performance ng Bureau of Customs (BOC) kung ang pag-uusapan ay revenue collection, trade facilitation at paglaban sa ismagling.
Sa unang tatlong buwan nga ng taon ay nakakolekta ang BOC ng tumataginting na P219.385 bilyon na taripa at buwis.
Ito ay lampas ng P84.89 bilyon sa target collection nitong P210.86 bilyon.
Ayon sa BOC, noong Marso ay ang “third consecutive month” ng taon na nalampasan nito ang kanilang monthly target.
Umabot ng P75.429 bilyon ang koleksyon at lampas ng P2.519 bilyon kumpara sa assigned tax tax take na P72.910 bilyon.
Sinabi ng BOC na ang “strong fiscal performance” ng ahensya ay dahil sa “higher rate of assessment or enhanced system for determining the customs value of imported goods.”
Isa pa, BOC “boosted its revenue collection through strict monitoring and collection of deferred payment of government importations.”
Pinalakas din ng ahensya ang post-clearance audit na nagresulta “in ensuring compliance to customs laws and collection of rightful duties and taxes.”
Naglunsad din ang BOC ng malalaking anti-smuggling operations sa ibat-ibang parte ng bansa, kabilang na ang Metro Manila.
Sa isang pahayag ay pinasalamatan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kanyang mga opisyal at tauhan dahil sa kanilang magandang performance.
Ang tumataas na koleksyon ng BOC ay nagsisilbing lifeline ng gobyerno upang mapondohan ang iba’t ibang proyekto nito.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kailangang mapondohan ang mga proyekto na kagaya ng infrastructure, edukasyon at healthcare.
Nandiyan pa ang mga disaster-preparedness programs ng gobyerno nasyonal.
Huwag natin kalimutan na ang Pilipinas ay isa sa paboritong “sparring partners” ng malalakas na bagyo sa Asia-Pacific region.
Kagaya ng Bureau of Internal Revenue, talagang kailangang magtrabaho ng overtime ang BOC para makakolekta ng sapat na buwis.
Kung hindi ay baka mahirapan ang gobyerno “to meet the many needs of the beleaguered Filipino people.”
***
Kamakailan ay nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) sa iba’t ibang bodega sa Caloocan City at Bulacan.
Ang Bureau of Customs (BOC)-MICP ay pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” M. Talusan.
Dahil sa mga ginawang inspeksyon ay nakatuklas ang mga otoridad ng smuggled goods na nagkakahalaga ng P7.3 bilyon.
Armado ng Letter of Authority (LOA), ang mga taga-MICP ay tinulungan ng Philippine National Police at barangay officials.
Ang inspeksyon ay pinangunahan ng mga ahente ng MICP-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement Security Service (ESS).
Ang mga kontrabando ay kinabibilangan ng intellectual property rights infringing items. kitchenware, appliances, apparel, toys, computer accessories at cosmetics.
Sa isang pahayag, sinabi ni Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio na “we are determined to stop these smugglers in their tracks.”
Siniguro naman ni Collector Talusan, anak ni dating BOC Deputy Commissioner Julie S. Manahan, na patuloy nilang isusulong ang mga programa ni Commissioner Rubio.
***
Kawawa ang mga estudyante, lalo na ang mga nag-aaral sa mga pampublikong elementarya at haiskul.
Hindi lang mga estudyante kundi pati na ang mga guro.
Napakainit sa loob ng mga silid-aralan mula 10a.m. hanggang 4 p.m.
Mabuti na lang at may kapangyarihan ang mga school administrators at local government officials na suspendihin ang mga klase.
Tama ito dahil sila ang nakakaalam kung gaano kahirap ang nasa loob ng mga kwarto na wala man lang electric fan.
Hindi dapat balewalain ang kalusugan ng mga bata at titser.
Kaya dapat maibalik na ang dating school calendar na kung saan magsisimula ang school vacation sa buwan ng Abril.
Sa ngayon ay matatapos ang school year sa katapusan pa ng Mayo.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).
Comments are closed.