Banner Before Header

Yorme at Yorme’s Choice, handa nang maglingkod!

5
TALAGANG tuloy-tuloy na ang pagbabalik sa Manila City Hall ng tropang Yorme’s Choice, wala nang duda, sigurado na, Manilenyo!

Kumpiyansa ang tatlong malalaki, pangunahing samahan ng mamamayang Manilenyo nang buong sigla nilang idineklara ang pagkakaisa na ihatid sa tagumpay sa May 12 midterm elections sina ‘comebacking’ Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso at katiket na vice mayoral candidate Chi Atienza.

Bihirang magpahayag ng nagkakaisang suporta politika ang Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño, na ang piniling iluklok sa tagumpay sa halalan ay sina Yorme Isko, Chi Atienza at ang buong tiket ng Yorme’s Choice.

Nangyari ang nagkakaisang suporta sa buong tropa ng Yorme’s Choice noong Linggo, Marso 16, sa isang okasyon sa Ninoy Aquino Stadium na sumaksi ang libo-libong residente na kasapi ng tatlong samahang Manilenyo.

Bago nagsimula ang pagtitipon, nakabibingi ang hiyawan, ang sigabo ng tawag sa pangalang “Yorme Isko, babalik na!” at ang dagundong ng sigaw, “Eto na, eto na si Vice Mayor Chi Atienza!” at ang alingawngaw ng sigawang “Yorme’s Choice, Yorme’s Choice!”

At nang magsalita si Isko, lalong sumigabo ang hiyawan, ang mga palakpak, ang sigaw ng maalab na suporta ng mga Manilenyo.

“Mga KABAKA, Kababaihan, Kaagapay, handa na ba kayo, ready na ba kayo?” tanong ni Yorme Isko na ang nakabibinging sagot na mandin ay konsiyerto ng musika ng pagsang-ayon, Aniya pa, taos ang kanyang paniniwala na ibibigay muli sa kanya ang suportang ibinigay nang ihalal siyang mayor noong 2019 elections.

Sabi ni Isko: “Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,” at iyon ay muling sinundan ng masigabong hiyawan.

Sa harap ng tagasuporta, lalong sumigla nang muling tawagin sa harap si Chi Atienza — anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na nagsabing, “Inyo pong maaasahan, ako po bilang inyong vice mayor ay ibibigay ang buong suporta sa ating  Yorme Isko Moreno Domagoso.”

Ang pagbabalik ni Yorme Isko sa Maynila bilang alkalde ay matibay na pinanindigan ni dating Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing, tagapagtatag ng KABAKA.

Aniya, kailangang maibalik ang mahusay na liderato ni Yorme sa lungsod dahil nais niya, sabi ni Bagatsing, ay maibalik ang disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila.

“Very happy ang lahat, at hopefully, sasamahan niyo ang grupong ito hanggang maatim natin ang tagumpay na maging the best city once again,” sabi pa ni Bagatsing.

Lalo pang naging masigla at madamdamin ang okasyong nang magbigay ng mensahe niya si dating Manila at Buhay Partylist Rep.  Lito Atienza na sinabi na ang kanyang mga kasama at buong pamilya, ay todo ang suporta sa Yorme’s Choice at sa muling pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng siyudad.

Tiniyak ni Lito Atienza na ang kanyang anak, si Chi Atienza, ay magiging mahusay na presiding officer ng Manila City Council, at susuporta sa lahat ng programa at adhikain ni Yorme Isko na maibalik ang ninging at kadakilaan ng Maynila.

Alam ng inyong abang lingkod, kasama ang pinakamaraming Manilenyo, na maibabalik ni Isko ang dating ningning ng Maynila, kasi nga, nakita na, naramdaman na at kinasasabikan na ang pagbabalik niya.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com).

Comments are closed.