Banner Before Header

Bukod na tulong sa mga sundalo mula kay SBG at PDU30

0 330
MAGBIBIGAY ng bukod na tulong sa mga pamilya ng mga nasawi at sugatang sundalo at sibilyan sina Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at Pang. Duterte matapos bumagsak ang isang C-130 military transport plane sa Patikul, Sulu, noong Linggo, Hulyo 4, 2021.

Ito ang tiniyak ng mambabatas sa isang pahayag kasabay ng panawagan sa mga Filipino na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima.

Minalas na bumagsak ang eroplano ng militar matapos ‘mag-overshoot’ sa runway kung saan 52 na ang kumpirmadong patay habang 51 iba pa ang mga sugatan.

Kinumpirma rin ng mambabatas ang pagnanais ni Pang. Duterte na pumunta sa isla ng Sulu upang personal na alamin ang nangyari sa likod ng trahedya at dalawin ang mga nakaligtas na pasahero.

Hiniling naman ni Go na hintayin ang magiging resulta ng imbestigasyon  sa dahilan ng pagbagsak  ng  C-130  at huwag nang pangunahan ang  pagsisiyasat  sa pangunguna ni Philippine Air Force Chief General Allan Paredes

Giit pa ni Go, dapat ding siyasatin   ang lahat ‘air assets’ ng AFP upang matiyak na maiwasang maulit ang mga katulad na trahedya lalo at buhay ng mga sundalo ang  nakataya.

Samantala, hindi naiwasang ibahagi ni Go na maging  sila ni Pang. Duterte ay batid na mahirap ang ‘pag-landing’  sa Jolo airport batay sa kanilang personal na karanasan.

Bukod umano sa pagiging ‘one-way’ ang runway, malaking epekto rin aniya ang pabago-bagong direksyon ng hangin sa paglapag ng mga eroplano.

Leave A Reply