Banner Before Header

‘Bakuna’ vs. COVID-19 nadagdagan pa!

Alin ang nababagay sa Pinoy?

0 373
MATAPOS kumalat ang ‘COVID-19’ sa pagsisimula ng kasalukuyang taon, buong mundo ang naapektuhan at milyon-milyon katao ang naging biktima at namatay.
Sa opisyal na estadistika, umabot na noong nakaraang linggo sa higit 58.5 milyon ang kumpirmadong nabiktima ng ‘virus’ kung saan lampas sa 1.3 milyon ang namatay.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakaraming pasyente dahil sa COVID-19 sa bilang na higit 12.45 milyon katao kung saan higit 261,000 ang namatay.

Sa Pilipinas, umabot na sa higit 417,000 ang kumpirmadong tinamaan ng virus kung saan lampas na sa 8,000 ang namatay. Sa opisyal na datos pa rin, mayroon pang higit 41,000 ‘active cases’ sa bansa bunga ng ‘recovered cases’ na umabot naman sa higit 376,000.

At hindi lang sa estadistika ng mga nagkasakit at namatay makikita ang negatibong epekto ng COVID-19; higit pa rito ang pagbagsak ng ekonomiya ng buong mundo.

Dahil sa COVID-19, inaasahang “mabubura” ang ano mang naging paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa nakaraang tatlong taon kung saan inaasahan na ang pagbagsak nito sa ‘minus’ 7.3 porsiyento ngayong taon, batay na rin sa pag-aaral ng Asian Development Bank.

‘COVID-19 vaccine’

Naging isang malaking “hamon” sa mga siyentista sa buong mundo ang paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19 at ang unang “pag-asa” ay inanunsiyo ng China noong Hulyo.

Ayon sa China National Pharmaceutical Group (Sinopharm), dalawang ‘experimental vaccine’ (90-percent effective) ang sinubukan na sa may 1 milyon Tsino at sa kasalukuyan, sinubukan na rin ang mga ito sa may 60,000 katao sa iba’t-ibang bansa para sa ‘third phase trial.’

Noong Agosto inanunsiyo na rin ang pagkadiskubre ng mga siyentistang Ruso sa ‘Sputnik-V’ (92 percent effective) na anila’y “unang bakuna” laban sa nakamamatay at nakahahawang sakit at inindorso mismo Russian President Vladimir Putin. Isa pang bakuna mula sa Russia, ang ‘EpiVacCorona’ ang sinusubukan na rin sa ngayon na sinasabing ‘100-percent effective’ laban sa COVID-19.

Noong isang linggo, tatlong malalaking pribadong kumpanya o ‘Big Pharma,’ ang nag-anunsiyo na “mayroon” na rin silang naimbentong gamot laban sa COVID-19—Pfizer/BioNtech (USA; 90 percent effective), Moderna (USA; 95 percent effective) at AstraZeneca (UK; 92 percent effective).

Ang lahat nang ito ay “magandang balita” para sa lahat, partikular na sa mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas, kaya ang tanong: “Alin” ang “bagay” sa mga Pinoy at “kaya” ng ating bulsa?

Badyet para sa bakuna, P2.5 bilyon lang

Para sa papasok na taon (2021), mayroon lang nailaan na P2.5 bilyon badyet ang Department of I Health (DOH) para ipambayad sa bakuna, napakaliit kumpara sa higit P12 bilyon na tinatayang kailangan upang mabakunahan ang unang 20 porsiyento—20 milyon– ng ating populasyon na higit 100 milyon.

At hindi pa kasama rito ang inaasahang gastusin para lang mapanatili sa tamang kondisyon ang mga bakuna katulad ng mga ‘freezer’ at ‘refrigerated vans’ at ang inaasahang mga kaakibat na problema sa pagbabakuna katulad ng transportasyon papunta sa mga malalayong lugar.

Ang mga salik na ito ay mahalaga sa pagpili ng ating gobyerno kung “ano” o “alin” ba ang bakuna na dapat nating bilhin.

Sa mga lumabas nang mga ulat hinggil sa mga bakunang nabanggit, dapat ding bigyan-konsiderasyon ang ‘side effect/adverse effect’ sa mga tuturukan ng bakuna.

“Multo” ng ‘Dengvaxia’

Ayon na rin sa mga resulta ng ‘clinical trials’ ng Pfizer at Moderna, dumanas ang mga pasyente na lumahok ng panghihina, pagkahilo, mataas na lagnat at pagsusuka matapos silang maturukan ng bakuna—na posible pa nilang ikamatay, lalo pa sa hanay ng mga ‘senior citizens.’

Ang mga sintomas na ito, kung babalikan, ay mga malulubhang ‘side effect’ ng ‘Dengvaxia’ noong termino ni Pang. Noynoy Aquino, kung saan napakarami sa mga naturukan ang mga namatay (inatasan na ng Korte Suprema ang pagbubuo ng isang ‘special court’ upang litisin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa eskandalong ito).

Ang ‘Dengvaxia’ ay bakuna na ginawa rin ng ‘Big Pharma’ (Sanofi Pasteur).

Bukod sa masamang side effect ng gamot ng Pfizer at Moderna, inaasahan din ang mataas na presyo nito, mula US$30 – US$70 “kada turok” (mula P1,500 hanggang P3,500), kung saan kailangan ang dalawang bakuna upang maging epektibo.

Inaasahan na ang mataas na presyo dahil bilang mga pribadong kumpanya, kailangang “mabawi” agad ang kanilang puhunan.

Bukod dito, kailangan din ang mga ‘refrigerated vans’ at mga ‘freezer’ kahit sa mga malalayong ‘health center’ ng bansa dahil kailangan ng mababang temperature ng mga gamot ng Pfizer at Moderna (minus 20 degrees Celsius sa Pfizer; minus 70 degrees Celsius sa Moderna).

Malinaw na ang mga nasabing gamot ay dinisenyo para sa mga mauunlad at mga mayayamang bansa.

Samantala, wala pang kumpirmadong ulat ng ‘adverse side effect’ sa mga bakunang gawa sa China at Russia na ang produksyon at pagsisiyasat ay suportado ng kanilang mga gobyerno.

At hindi katulad ng mga bakunang gawa ng Big Pharma, ang mga bakuna mula sa China at Russia ay tumatagal ng higit 2 taon at epektibo kahit sa ‘room temperature,’ kaya hindi na kailangan ang dagdag na gastos sa pag-iimbak at transportasyon.

Una na ring nag-alok ng ‘subsidy’ at pautang ang gobyerno ng China at Russia sa mga bansa na gagamit ng kanilang mga bakuna; sinabi rin ng Russia ang kahandaan nito na dito na sa Pilipinas gawin ang bakuna kung kailangan, katulad ng kanilang naging kasunduaan sa Hungary, ang unang bansa sa Europa na ‘nag-order’ ng Sputnik V.

Ikaw, Juan dela Cruz, kaninong bakuna ang pipiliin mo?

Leave A Reply