Banner Before Header

Senate probe, ‘wag gawing ‘drama’ — Gadon

Pres. Rody, “tsipipay,” ‘di dapat tawaging ‘Pangulo’—Sen. Gordon

0 354
ASAHAN na ang bangayan at walang humpay na siraan sa mga darating na araw sa pagitan ng Palasyo at Senado matapos ang halos isang oras na pagbanat ni Sen. Richard Gordon kay Pang. Duterte sa huling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee (SBRC) noong Biyernes, Setyembre 17, 2021, hinggil sa mga naging gastusin ng pamahalaan kaugnay sa pandemya dulot ng COVID-19 na para naman kay Atty. Larry Gadon ay isa lang malaking “drama.”

Sa ika-anim na pagdinig noong Biyernes, hindi na nakapagtimpi si Gordon sa halos 2 linggo na ginagawang “pagbigwas” sa kanya ng Pangulo at sa SBRC kung saan nagbanta pa si Pang. Duterte na “ikakampanya” pa para lang “matalo” ang mambabatas sa halalan sa susunod na taon.

Inutusan na rin ni Pang. Duterte si Solicitor General Jose Calida na hilingin sa Commission on Audit (COA) ang ‘audit’ sa mga pondo mula sa gobyerno na natanggap ng Philippine Red Cross (PRC) kung saan nakaupo rin si Gordon bilang tserman.

Ang resulta ng pag-audit ng COA sa naging gastusin ng Department of Health (DOH) at mga pinasok nitong transaksyon noong isang taon, sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, ang nagtulak sa Senado upang imbestigahan ang isyu.

Ayon sa COA, may higit P60 bilyon na pondo ng bayan ang nakita nilang dapat ipaliwanag ng DOH at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Nasa sentro ng kontrobersiya ang kumpanyang ‘Pharmally Pharmaceuticals’ na napatunayang ‘under- capitalized’ at walang sapat na kakayahan upang sagutin ang higit P11.486 bilyon na naging transaksyon nito sa DOH at sa DBM.

Ani, Gordon, malaking katanungan para sa Senado na mismong si Pang. Duterte pa ang unang “nagtanggol” sa transaksyon sa Pharmally—at patuloy na nagtatanggol–  na sinundan ng kanyang mga pagbabanta sa COA at sa mga senador.

“This is not an inquisition of sorts na pinapalabas ng Pangulo ng Pilipinas… For the last several days, my friends, and colleagues and fellow citizens, wala na pong ginawa ang ating Pangulo kundi humarap doon sa oras na para mag-ulat sa tao kung anong nangyayari sa pandemya kundi ipagtanggol itong mga taong [sangkot] dito.

“Wala pa ho kaming hinuhusga. Tila ba’t ang lumalabas ay natataranta ang Pangulo, bakit kailangan kayo ang mangtanggol [sa mga sangkot], Mr. President,” tanong pa ni Gordon.

Para naman kay Gadon, ginawa na lang “drama” ng mga senador ang pagdinig, matapos aminin ni COA chairman, Michael Aguinaldo na “wala” pa naman silang nakikitang korapsyon sa mga nangyaring transaksyon at hinihintay pa nila ang paliwanag ng DOH at DBM.

Para sa mga transaksyon, naglipat ang DOH ng higit P42 bilyon sa PS-DBM na siya namang naghanap ng mga supplier katulad ng Pharmally.

Sa ngayon, ayon pa kay Aguinaldo, wala pa rin silang nakikitang “dagdag-presyo” (‘overpricing’) sa mga naging transaksyon, taliwas sa impresyon ng mga naging pagdinig sa Senado.

Ani Gadon, dahil wala namang maipakitang ebidensiya hanggang ngayon, gumawa na lang ng malaking “palabas” (‘theatrical antics’) si Gordon upang makuha ang simpatiya ng publiko.

“You are a cheap politician, Mr. President. Cheap politician. As cheap as they come, Mr. President. I’m sorry.

Ayon pa kay Gadon, bilang isa ring abogado, dapat alam ni Gordon na dapat may pagbatayan ang akusasyon at bintang nito na may ‘overpricing’ nga sa mga naging transaksyon ng gobyerno.

Ipinaalala pa niya na sadyang mataas ang presyo ng mga ‘facemask’ at mga ‘PPEs’ (personal protective equipment) at kahit mga ‘face shields’ dahil sa kakulangan ng suplay sa merkado sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon pa kay Gadon, kahit siya ay napilitang bumili ng mga face mask sa halagang P900 bawat 50 piraso noong isang taon na ipinamigay naman niya ng libre sa mga pagamutan.

Maari nga umanong may napaboran na mga ‘supplier’ noong isang taon katulad ng Pharmally dahil sa kakayahan nitong agad matugunan ang pangangailangan ng gobyerno. Bagaman, idiniin ni Gadon na hindi ito ebidensiya ng dagdag-presyo.

PDU30, “tsipipay,” ‘di dapat tawaging ‘Pangulo’

Para naman kay Gordon, ang bilyones na perang natanggap ng Pharmally ay nagresulta sa pagkakamal ng mga ehekutibo nito ng limpak-limpak na salapi, dahilan upang makabili ang mga ito ng mga mamahaling sasakyan (‘luxury vehicles’).

Sa pagbubulgar ni Gordon, nakabili si Mujit Dargani, corporate secretary ng Pharmally, ng ‘2019 Porsche 911 Turbo’ nito lang Mayo 7, 2021, batay sa rehistro ng Land Transportation Office (LTO), nagkakahalaga ng P8.5 milyon, higit isang taon matapos mabigyan ng kontrata ng DBM.

Isang ‘2021 Lamborghini Urus’ naman aniya na nagkakahalaga ng P13 milyon ang nabili ni Twinkel Dargani, kapatid na babae ni Mujit at pangulo ng kumpanya noon lang Disyembre 2020.

Ayon pa kay Gordon, 3 luxury vehicles din ang nabili ni Lincolnn Ong, Pharmally chairman. Kabilang dito ang isang ‘Porsche Carrera 4S’ na nagkakahalaga ng P13.5 milyon noon lang Pebrero 2, 2021.

Ang detalye ng luxury vehicle na nabili ni Twinkle Dargani, pangulo ng ‘Pharmally Pharmaceutical,’ ilang buwan lang matapos mabigyan ng bilyones na kontrata ng DOH at DBM (batay sa presentasyon ni Sen. Richard Gordon)

“Paano naman kikita ito, eh mga bata pa ito, ito yatang si Dargano, ewan ko kung ilang taon na ito, wala pa atang 30 years old ito…

“Mr. President, meron pa kayong panahon na magbago, sa pinapakita natin, dapat, imbestigahin nyo na yan, huwag na kayong magalit. Hindi ho nyo ako mapipikon, sapagka’t ako, totoo ho ang ginagawa ko,” paghahamon pa ni Gordon.

“From the very beginning you have tried to draw away the attention of the people from this investigation. Iwas kayo nang iwas, para sa mga tao nyo na nagpapasasa,” himutok pa ng mambabatas.

Aniya pa, “tsipipay” (‘cheap’) na pulitiko si Pang. Duterte dahil sa ginagawa nitong pagtatanggol sa mga iniimbestigahan ng Senado dahil nakatulong sa kanya nang tumakbong pangulo noong 2016.

“You are a cheap politician, Mr. President. Cheap politician. As cheap as they come, Mr. President. I’m sorry. And, Mr. President ipinagtatanggol niyo si Yang?

“Mr. President, kailangan niyo ba ipagtanggol? Bilyonaryo ‘yan. Mr. President, ‘yan ang ipinagtatanggol niyo? Pinagtatakpan ninyo, Mr. President?”

Hindi rin aniya karapatdapat na irespeto bilang pangulo si Pang. Duterte at sumunod pa dito ang mga Pilipino dahil sa mga ginagawa nitong pagmumura sa kahit kanino at kahit sa harap ng publiko.

“Ang pangulo na minumura ang Santo Papa, hindi ko po susundin, ng taongbayan…ang mumurahin ninyo ang Diyos, at ang Santo Papa…

“Mahirap kayong tangkilikin Mister President because you do not act like a president. Today, I tell you. You are not a president that the Filipino people can respect.

“Nobody talks to you in international conferences because nauuna ang reputation nyo na mapagmura, mapusok, at talagang sinasabi nyo, Kill Kill, Kill,” ang hugot pa ni Gordon.

Leave A Reply