Banner Before Header

CPP websites “ipinasara” ng mga hackers!

'Longest DDoS attack sa 'Pinas-- Pinoy Vendetta (Article updated, Nov. 29, 2021-- Editor)

0 859
PAPASOK na ngayon sa tatlong linggo na hindi nabubuksan ang ‘website’ ng Partido Komunista ng Pilipinas’ (CPP) matapos targetin at atakihin ng mga ‘hackers’ na nagtatago sa pangalang ‘Pinoy Vendetta.’

Sa pagsubaybay ng Pinoy Exposé, huling nabuksan ang ‘Philippine Revolution Web Central’ (PRWC) noong Oktubre 30, 2021, ang araw na napaslang si Jorge ‘Ka Oris’ Madlos, sa ginawang ‘focus military operation’ ng militar sa kampo ng teroristang grupo sa bayan ng Impasugong, Bukidnon.

Pansamantala namang muling nakabalik sa ‘Internet’ ang PRWC noong Nobyembre 24, 2021, subalit muling “ipinasara” ng Pinoy Vendetta, pagkaraan ng isang araw.

Sinusulat ang balitang ito, patuloy pa ring bagsak ang PRWC kung saan sa ‘Twitter’ na lang ngayon nakapaglalabas ng mga propaganda at balita ang CPP at ang tagapagsalita nito na si Marco Valbuena.

Ito ngayon ang lumalabas sa screen sa sino mang gustong mabuksan ang website ng CPP.

Ayon naman kay Valbuena, ang militar at ang ‘National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nasa likod nang nangyaring ‘DDoS’ (distributed denial of service) kung kaya hindi na mapakinabangan ang PRWC website.

Bukod sa PRWC, ipinagyabang din ng grupo na ‘pinabagsak’ din nila ang mga websites ng mga prenteng organisasyon ng CPP, ang website ni Vice President Leni Robredo at Sen. Richard Gordon.

Pang-aasar pa ng Pinoy Vendetta sa social media post nito noong Sabado, Nobyembre 20, 2021, pansamantalang nabuksan ang CPP website subalit muling nagsara matapos nilang muling atakihin.

“Aba! tumapang bigla yung NPA mga bes nag post pa talaga ng official website nila sa harap namin up na up na daw sila yun naman pala nag patched na sila then nag Captcha Security.

“Hindi namin namalayan up na pala kayo sige ayan DOWN na ulet. CPP NPA NDFP YERRRNNN????

“At calling the attention of government, ni-redirect nila ang domain nila na ndfp dot org sa www dot gov dot ph sa pag aakala nilang mag redirect din yung attack sa domain ninyo. Ano yan, may cache or DNS poisoning pala sa DDoS? Hahaha!

Sssheessshhhhhh! kaya naman pala ipapa abolish ni Madam L (Leni Robredo) ang NTF-ELCAC kitang kita sa mga shares nila sino yung palaging binibida nila na Presidentiable LMAO.

“Down for 16 days = 384 hours and counting …” pahayag pa ng Pinoy Vendetta.

Sa dagdag na pahayag pa ng grupo sa kanilang social media account noong Nobyembre 26, 2021, “CPP NPA NDF websites are still down pa din nag change na sila ilang beses ng webhost still we managed to take them down.”

Nanindigan rin ang grupo na wala silang kaugnayan sa gobyerno at hindi rin sila binabayaran ng sino man upang atakihin ang website ng CPP.

Ang pahayag ng pagbibintang sa gobyerno at militar ng CPP na sa Twitter na lang makikita ngayon.

Samantala, mistulang “nilangaw” ang inihandang “parangal” para kay Madlos ng CPP noon ding Sabado.

Sa ulat ng ‘Rappler,’ tanging mga kamag-anak at ilang mga kaibigan ang dumalo sa paglalagak ng mga abo ni Madlos sa Surigao Memorial Park at hindi rin ito masyadong binigyan ng pansin ng mga kagawad ng media.

Matapos mapaslang, nakumpirmang positibo sa COVID-19 si Madlos at kailangan siyang ‘i-cremate,’ ayon na rin sa umiiral na regulasyon.

Pansin pa ng Rappler, ang parangal para kay Madlos ay napakalayo sa ibinigay na parangal ng CPP kina Leoncio ‘Kumander Parago’ Pitao at CPP spokesman, Gregorio ‘Ka Roger’ Rosal.

Napaslang si Pitao. Lider ng ‘Pulang Bagani Command’ (PBC), sa isang operasyong militar sa Paquibato District, Davao City noong 2015 habang namatay naman sa sakit si Rosal noong 2011, habang nagtatago sa Sierra Madre.

Ang mistulang pagbalewala ng CPP kay Madlos ay sa kabila ng katotohanan na higit 40-dekada itong nagsilbi sa kilusang komunista at kasapi ng Komite Sentral ng partido.

Iniulat din ng Rappler na kahit isa sa mga personalidad sa mga prenteng organisasyon ng CPP sa Kongreso ay hindi rin dumalo sa okasyon upang magbigay ng kanilang pakikiramay kay Madlos at sa kanyang pamilya.

Ginawa namang dahilan ang pandemya at ang umano’y pag-iwas sa ‘red-tagging’ kaya nilangaw at lumabas na kahabag-habag ang paghahatid kay Madlos sa kanyang huling hantungan.

Leave A Reply