‘New Normal’ Sa Pampublikong Transportasyon
By Mike Taboy
GANITO ang eksenang palagi na nating makikita kahit na saang loading at unloading area ng mga sasakyan. “New normal”, ang sabi nila.
May mga awtoridad na nakabantay para mag-check kung mayroon o walang virus ang isang pasahero. Siyempre, dapat ay maayos na nakapila o may social distancing ang mga tao.
Hindi na rin makikita ang mga pagewang-gewang na bus, kagaya sa EDSA, sa pag-uunahan sa pagsasakay ng mga pasahero.
Ang mga tinatawag na P2P o point to point bus ay magbaba o magsasakay lamang sa mga designated na terminal.
Mahirap sa simula pero may kaayusan at kung palagi lamang masusunod ng commuters ay wala tayong problema sa traffic.