Banner Before Header

‘Swab test’ dapat matagal nang libre!’ – Sotto

0 278
NANINIWALA si Senate President Vicente Sotto III na matagal nang dapat ginawang “libre” ng administrasyong Duterte ang ‘testing’ o ‘swab test’ upang malaman kung positibo sa COVID-19 dahil kakayanin naman ito ng pambansang badyet.

Sa panayam sa radyo noong Sabado, Enero 8, 2022, kinastigo rin ni Sotto, na tatakbong bise-presidente sa halalan ngayong Mayo 9, 2022, ang Department of Health (DOH) dahil umano sa mabagal nitong pagkilos at katigasan ng ulo na makinig sa ibang eksperto.

“What I’m saying now is that ang kulit ko na dito, paulit-ulit ako, ilang buwan ko nang sinasabi ito, na last year ko pa ata sinasabi ito…

“… Even the budget of last year of 2021 sinasabi ko na, dapat ang swab, ang PCR, ang test ng mga kababayan natin dapat libre.

“Para kahit kailan ka makaramdam, pa-swab ka kaagad. Dapat ganoon…Kapag kinompute mo, kayang kaya sa budget eh. Nakaka P6 trilyon na tayo ng pangungutang,” anang lider ng Senado.

Aminado si Sotto na karamihan sa mga Pilipino ay ayaw magpa-testing sa COVID dahil sa sobrang taas ng presyo na mula sa P4,000 hanggang P6,000.

Isinisi rin ni Sotto sa DOH, na nasa pamamahala ni Secretary Francisco Duque, kung bakit patuloy na naiiwan ang bansa sa pagresponde sa pandemya.

“Kabagalan, kung minsan yung ideya nila hindi masyadong akma, ideya ng ibang tao hindi naman nila susundin kaagad.

“Later on, saka maiisipang sundin o pero kapag hindi nila ideya parang hindi masyadong pinakikinggan, nagkaka-tengang kawali yung mga opisyal natin…

“Kung mabilis ang aksyon, hindi ganyan kalala (ang sitwasyon). Saka yung Omicron, hindi tayo na-warningan ng DOH na padating yan.”

Bagaman aniya ay “water under the bridge” na ang mga naging kapalpakan ng DOH, hindi umano naging malubha ang sitwasyon ng bansa kung maaga pa lang ay pinayagan na ng administrasyon na mag-inisyatiba ang mga pribadong kumpanya at mga lokal na pamahalaan sa pagbili ng mga bakuna at mga swab test kits.

Pinansin di ni Sotto ang patuloy na mabagal na paglalabas ng resulta ng mga swab test dahil hindi rin ito ginawang prayoridad ng DOH.

Sa kanyang kaso, sinabi ni Sotto na humigit pa sa isang araw bago niya natanggap ang resulta kung saan negatibo siya sa sakit.

Sa United States ngayon, meron silang machine, 30 minutes, RT-PCR result, alam mo na.

“Kung pinagkakagastusan lang ng DOH… kung papayagan nila yung mga local government units, dapat yung mga local government units bibili.

“’Di ba pati pagbili ng mga vaccines natagalan tayo kasi kailangan centralized, ayaw na hayaan yung mga korporasyon at saka yung mga LGU na bumili ng sarili nila,” himutok pa nito.

Leave A Reply