Banner Before Header

‘Tibak’ ng LFS, nag-NPA, tigok

Basta na lang iniwan ng mga kasamahan

0 606
ISANG dating estudyante ng University of the Philippines-Visayas (UP-Visayas) na nahimok sumapi sa League of Filipino Students (LFS) at pagkaraan ay naging mandirigma ng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa engkuwentro sa militar noong isang linggo.

Sa ulat ni Lt. Colonel Joel Benedict Batara, kumander ng 61ST Infantry Batallion, 3RD Infantry Division, Philippine Army, natagpuan ng kanyang mga tropa ang bangkay ni Malvin Christian Cruz sa bisinidad ng Bgy. San Joaquin at Miagao, Iloilo.

Ayon sa opisyal, kinukumpirma ng mga sundalo ang presensiya ng NPA sa nabanggit na lugar na nauwi sa isang madugong sagupaan ng dalawang pangkat noong Hunyo 29, 2020

Katulad sa mga nakaraang insidente, basta na lamang iniwan si Cruz, aka, “Ka Lean/Lucas” ng kanyang mga kasama matapos kritikal na tamaan sa palitan ng putok. Edad 21 lang si Cruz nang mamatay.

Sa nakalap na detalye ng militar, si Cruz, tubong Bgy. San Nicolas, Oton, Iloilo ay kumuha ng kursong BS Statistics sa UP-Visayas, Miagao Campus noong 2015-2016.

Bago natanggap sa UP, nag-aral din si Cruz sa Iloilo Central Elementary School at sa Oton National High School.

Mula sa pagiging isang ordinaryong aktibista ng LFS, nahikayat si Cruz na maging NPA at umangat ang kanyang posisyon bilang ‘team leader’ ng ‘Squad 3, Suyak Platoon, Southern Front’ ng Panay Regional Committee, Communist Party of the Philippines.

Nanawagan naman si Batara sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mahikayat na humawak ng armas laban sa pamahalaan na magreresulta sa kanilang kapahamakan.

Leave A Reply