Banner Before Header

‘Trusted man’ ni Lucio Tan, timbog sa entrapment operation

Dating BOC district collector, dinakma rin

0 417
HINULI ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa umanong ‘trusted man’ at “kaibigan” ng bilyonaryong si Lucio Tan at isang dating district collector ng Bureau of Customs (BOC), matapos umanong tangkang “mangikil” ng P11 milyon kapalit umano ng paglalabas ng import permit mula sa Bureau of Customs.

Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina Bejamin Sebastian, 60 at dating BOC collector, Atty. Juan Natividad ‘John’ Tan, nang magsulputan ang mga operatiba ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division (AOCTD) matapos nilang tanggapin ang dalawang ‘duffel bags’ na naglamaman ng nasabing halaga.

Naganap ang operasyon sa lobby ng Century Park Sheraton Hotel, Maynila, na pag-aari rin Tan, noong Huwebes, Marso 16, 2023.

Tumayo namang complainant sa reklamo si Atty. Lucio ‘Jun’ Espinosa na abogado ng Philippine Airlines.

Nabatid na ang nasabing halaga ay para umano sa mabilisang paglalabas ng BOC ng import permit para sa ‘jet fuel’ ng mga eroplano ng PAL, na pag-aari rin ng bilyonaryong Chinese Taipan.

Nagkaroon naman ng hinala ang PAL sa sinasabi ni Sebastian dahil ayon kay Espinosa, libre naman (tax-free) sa pagbabayad ng excise tax ang importasyon ng jet fuel.

Sa bukod na panayam ng mainstream media, iginiit naman ni Sebastian na ang nasabing halaga ay “regalo” sa kanya ng taipan dahil sa kanyang pagiging “alalay” (assistant) nito sa halos 4 na dekada.

Itinanggi rin ni Atty. John Tan ang kanyang partisipasyon sa umano’y extortion attempt dahil nakumbida lang umano siya ni Sebastian para kumain ng tanghalian sa nasabing hotel.

Sa pahayag naman ng PAL noong Sabado, Marso 18, 2023, sinabi ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng airline, na makikipagtulungan sila sa ginagawang imbestigasyon ng NBI sa nasabing insidente.

Leave A Reply