Banner Before Header

Tulong sa media ng Danway Corporation, kinilala

0 409
MULING kinilala ng National Press Club (NPC), ang pinakamalaking organisasyon ng media sa bansa, ang mga naging ambag ng ‘Danway Food Processing Corporation’ sa NPC at mga kasapi nito partikular sa kasagsagan ng pandemya sa nakaraang dalawant taon na dala ng COVID-19.

Sa tulong ng Danway, hindi lang mga kasapi ng media, bagkus, higit 6,000 ‘indigents’ at ‘street dwellers’ sa Intramuros, Maynila, ang nakinabang sa ilang serye ng ‘NPC Feeding Program’ noong 2020 at 2021.

Makikita sa larawan sina (mula kaliwa) NPC Director Benedict Abaygar, Aya Yupangco; NPC Treasurer Mina Navarro; Danway founder and president, Engr. Danilo Baylon; NPC member at Central Luzon Media Association (CLMA) president, Carmela-Reyes Estrope; NPC President Paul M. Gutierrez; at, NPC Director Nats Taboy. Ang simpleng seremonya ay ginanap sa tanggapan ng Danway sa Malolos, Bulacan noong Enero 26, 2022  at ikalawang beses na kinilala ng NPC ang malasakit sa media ni Engr. Baylon at maybahay nito na si Apo Aniway.  Isa ang Danway Corporation sa pinakamalaki at ‘fully-integrated’ na agri-business sa buong bansa.

Leave A Reply