Banner Before Header

Wala uling public transpo!

Balik MECQ sa NCR at iba pang lugar

0 461
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na wala munang biyahe ang mga pampublikong transportasyon sa muling pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar, simula sa Agosto 4.

Ang mga public transportation na hindi muna pinapayagan sa ilalim ng MECQ ay ang: Trains (PNR, LRT1, LRT2, MRT3), bus, jeepney, taxi at TNVS.

Ang mga tricycle ay may exceptions ngunit batay sa ilalabas na panuntunan ng Department of the Interior and Local Government at ng local government units.

Ang tanging public transportation na papahintulutan ay ang public shuttles para sa front liners at workers sa mga industriyang papayagan sa ilalim ng MECQ.

Sa mga pribadong transportasyon, ang papayagan lamang ay ang mga sumusunod: Company shuttle na may special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board) pero 50% lamang ang ilalaman; personal vehicle (for person/workers in permitted sectors/activities), na 2 lamang ang sakay; bisikleta na isa lang ang sakay, motorsiklo na isa lang ang sakay at e-scooter na isa lang din ang sakay.

Ipinaalala rin ng DOTr na ang mga authorized persons outside of residence (APOR) na may ID ang papayagan lamang lumabas at bumiyahe sa mga lugar na pinahihintulutan.

Muling inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at iba pang high-risk areas sa MECQ sa loob ng 15 araw, simula August 4, 2020 dahil na rin sa hiling ng medical community.

Bukod sa National Capital Region, ang mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal ay nasa MECQ hanggang Agosto 18.

 

Checkpoint sa MECQ areas mahigpit na ipatutupad– Eleazar

 

Muling maglalatag ng mga checkpoint ang Philippine National Police (PNP) simula mamayang hatinggabi dahil na rin sa pagbabalik ng modified enhanced community qurantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila at mga karatig probinsya.

Ito ang sinabi ni Joint Task Force Cobid Shield Commander, P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Eleazar, magiging estrikto muli ang pagpapatupad ng mga checkpoint at ang tanging papayagan lamang na makalabas ng boundary o kanilang bahay ay ang mga authorized person outside of residence o APOR.

“Yung bibili ng mga pangangailangan nila ngayon MECQ ay dun na lamang siya sa lugar niya bumili at hindi siya makakatawid sa mga lugar na nasa MECQ,” ani Eleazar.

Sinabi ng opisyal na kailangang makisama ang publiko at makipagtulungan ang bawat isa para malabanan ang paglaganap ng COVID-19 disease.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagsasailalim sa MECQ sa clalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at National Capital Refion simula

August 4 hanggang August 18 dahil na rin sa hiling ng medical community na nagsabing sila’y pagod na pagod na sa patuloy na paglobo ng bilang ng tinatamaan ng naturang sakit. PEN

Leave A Reply