Babae, patay matapos mabakunahan ng ‘Pfizer’
ISANG babae sa bansang New Zealand na nabakunahan ng ‘Pfizer’ anti-COVID-19 vaccine ang namatay, ayon sa ulat ng ‘Reuters’ ngayong Agosto 30, 2021.
Ang impormasyon ay ibinulgar ng New Zealand Ministry of Health kung saan hindi na binanggit ang edad at pagkilanlan sa biktima.
“This is the first case in New Zealand where a death in the days following vaccination has been linked to the Pfizer COVID-19 vaccine,” pahayag pa ng mga awtoridad doon.
Sa ginawang imbestigasyon ng isang ‘independent board,’ namatay ang biktima dahil sa ‘myocarditis’ matapos mabakunahan.
Ang myocarditis ay isang kondisyon kung saan “namamaga” ang mga ugat sa puso na dahilan naman upang hindi normal na makadaloy ang dugo.
Ang myocarditis ang isa sa mga masamang ‘side effect’ ng Pfizer vaccine, ayon pa sa mga awtoridad sa New Zealand.
Bagaman, sinabi rin ng independent board na mas malaki pa rin ang benepisyong nakukuha ng mga tao sa Pfizer kumpara sa side effects nito.
“The benefits of vaccination with the Pfizer COVID-19 vaccine continue to greatly outweigh the risk of both COVID-19 infection and vaccine side effects, including myocarditis,” ayon pa sa ulat.
Matapos ang higit 6-buwan kung saan walang naiulat na kaso ng COVID-19 sa New Zealand, nagrehistro na rin ng mga kaso doon kung saan sa buwan ng Agosto, 562 na ang naitalang kaso; 53 sa mga ito ay naitala noon ding Agosto 30.
Bunga nito, pinayagan ng mga awtoridad ang paggamit ng mga bakuna kabilang ang Pfizer, Janssen at AstraZeneca.
Inilagay na rin sa ‘lockdown’ ang buong bansa upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang ‘Delta variant’ nito.
Tahimik naman hanggang ngayon ang Pfizer hinggil sa insidente.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na may namatay matapos maturukan ng Pfizer. Matatandaan na sa mga ulat ng midya noong nakaraang Enero, 23 katao ang namatay sa bansang Norway matapos maturukan ng Pfizer.
Sa isang pag-aaral na inilabas ng ‘Principia Scientific International’ (PSI) na inilabas noong Abril 27, 2021 batay sa mga datos ng bakuna sa Europa, lumalabas na 3-beses ang tsansa na mamatay ng biglaan ang mga naturukan ng Pfizer kumpara sa ibang bakuna (‘Pfizer vaccine has three times more deaths than AstraZeneca’).
Ang impormasyon ay batay sa mga nakalap na datos ng mga nabakunahan sa Europa, simula Enero 1, 2021 hanggang Abril 6, 2021.