Banner Before Header

Ex-Duterte official inasunto sa ‘fake marriage’

0 271
TAHIMIK palang pinagtatalunan sa isang korte ang kasong isinampa ng isang babae laban sa kanyang “asawa” na kilalang-kilala dahil isa ito sa may pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Rodrigo Duterte.

Ang siste, pagkaraan kasi ng ilang taong pagsasama, nabisto ni misis na ‘fake,’ as in “peke,” “walang bisa” ang nangyaring “pagpapakasal” niya sa kanyang dating masugid na manliligaw na sa kalaunan pa nga ay nagbunga sa pagkakaroon nila ng tatlong malulusog na supling.

Nadiskubre ang mistulang panloloko sa kanya matapos magsimulang maging “malamig” ang dating ‘sing-init nang disyerto nilang pagsasama dahil naman “nakakita” na pala ng ibang “mamahalin” ang kanyang hindi naman kagandahang-lalaki na “mister” (very powerful naman).

Kung masama ang loob ni ‘girl’ na sa kabila ng kanyang pagtitiwala at pagbabantay ay “nalusutan” pa rin pala siya at nagbunga naman ng dalawang malusog na supling si “mister” at ang bago nitong kinababaliwan, ayy, minamahal, talagang mas nakakasama ng loob—at nakagagalit—na malaman na wala palang bisa ang kanilang kasal!

Dangan kasi, nang matanggap sa kanyang sarili na malabo na siyang balikan at suportahan ng dating powerful public official ni Pang. Rody, siyempre ang hinabol na lang niya ay ang sustento para naman sa kanilang mga anak.

Eh, lumabas naman na ‘void ab initio’ ang kanilang civil wedding dahil hindi naman ito narehistro sa civil registry sa kanilang lugar!

Nagkahinala rin si ex-wife na sinadyang pekein ang kanilang kasal dahil ang ‘officiating judge’ sa seremonya ay ‘fraternity brother’ ng kanyang pinakasalan!

Sino si ex-powerful official ni PDU30? Palagi pa rin siyang ‘in the news’ at katunayan ay masyadong maingay sa ngayon sa pagsuporta sa ‘divorce bill’ na pinag-uusapan din ngayon sa Kamara.

Leave A Reply