Banner Before Header

Is that you talking, ‘Cong. Boy Aya?’

0 275
MARAMI na ang tumatayo ang balahibo sa pagkapikon at pagkasuklam sa isang talunang kongresista mula sa Mindanao dahil patuloy na ginagamit ang sarili niyang istasyon ng radyo upang siraan at wasakin sa publiko ang Bureau of Customs kahit alam nang lahat ay wala naman siyang hawak na ebidensiya. Aba, sa kanyang ginagawa, hindi lang pala “babae” si ‘Marites,’ “lalaki” rin pala!

Pansin ng publiko, sa lahat ng puwedeng bumatikos at magbintang sa mga opisyales sa Aduana, itong si ‘ex-Cong. Boy Aya,’ aka, ‘Cong. Gulay,’ ang walang kahit isang patak ng kredibilidad!

Oops! “Bukang-bibig” ang mamang ito noong panahon ni Pang. Gloria Arroyo na ang bawat kapritso niya ay napagbibigyan.

Samantala, isang sulyap lang sa Internet, mababasa na agad ang kanyang malansang rekord bilang mambabatas at administrador kung saan dalawang beses siyang “sentensiyado” ng Sandiganbayan na dinagdagan pa ng ‘perpetual disqualification to hold any public office.’

Isa rin namang masamang komento sa kabulukan ng ating Kongreso at sistema ng eleksyon na sa kabila ng hatol ng korte, patuloy pa siyang nakakatakbo sa mga halalan hanggang matalo nitong 2022 elections sa sarili niyang distrito.

Ang nangyari kasi, bagaman dekada na ang kanyang ‘MR’ (motion for reconsideration) sa Korte Suprema kontra sa desisyon ng Sandiganbayan, aba’y wala pa rin itong desisyon hanggang ngayon! Eh, dito kasi sa atin, hanggang walang ‘final conviction’ galing sa SC, tuloy lang sa pagtakbo sa halalan ang sino mang pulitiko!

Hmm. May ‘parking fee racket’ din kaya sa Korte Suprema katulad sa tanggapan ng Ombudsman na hindi pa nasisilip ng ating mga mahistrado?

Ayon sa ilang miron, “nanggigigil” sa Aduana itong laos na pulitiko dahil may mga hinihingi siyan pabor na hindi siya mapagbigyan!

May partikular na opisyal umano sa BOC na gustong niyang “makausap” nang personal pero tumatanggi dahil bukod sa ayaw “mamantsahan” ng masamang reputasyon nitong si ex-congressman, hindi rin siya sanay na “binabraso” ng sino man.

Sakali namang mapuno na ang pagtitimpi ng mga opisyal ng Aduana na palaging “pulutan” nitong si ‘Cong. Gulay’ at kaladkarin siya sa korte, hindi niya puwedeng depensa ang ‘freedom of the press.’

Ilang desisyon na kasi ng Korte Suprema ang nagsabi na hindi depensa ang ‘freedom of the press and expression’ para bastusin at siraan ang sino man lalo pa nga at kitang-kita na ‘dripping with malice’ ang kanyang mga arankada.

At mas mainam siguro na busalan na ng liderato ng Kongreso itong mamang ito dahil kinakaladkad niya sa pusali ng kahihiyan ang buong Kongreso kahit wala na siya sa puwesto.

Sa kanya kasing radio program, nakabalandra pa rin sa kanyang likuran ang ‘official logo’ ng Kongreso ng Pilipinas. Talaga rin naman.

Leave A Reply